Virac, Catanduanes – Nasungkit ng team Virac ang kampeonato sa taunang ‘Padadyaw sa Tinampo’ noong ika-26 ng Oktubre, 2017 sa bayan ng Virac sa pagdiriwang ng 72nd Catanduanes Foundation Day Anniversary.
Tumataginting na tatlumpong daang (P 30,000) piso ang natanggap na gantimpala ng partisipante ng Virac matapos nitong ipamalas ang kakaibang istilo ng pagssayaw ng ‘Padadyaw sa Tinampo’ na ginamitan ng powerful smile na siya umanong umangat sa lahat ng kalahok.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko ka Provincial Tourism Officer Carmel B. Garcia, sinabi nito na ang kakaibang ngiti umano sa mga labi ng partisipante ng munisipyo ng Virac ang nagdala upang tanghalin itong grand winner kung saan sa kabila ng pawis, init at pagod ng performance ay nagagawa pa umano nitong ngumiti simula ng pagsasayaw hanggang sa pagtatapos nito.
Kaugnay nito, naging makulay ang overall performance ng mga lumahok mula sa siyam (9) na munisipyo sa probinsyang ito. Kung saan marami ang nabighani sa pagtatapok ng mga ito sa pamamagitan ng pag-indayog ng kanilang katawan kasabay ang pagkumpas ng mga kamay. Ibinida rin ng mga kalahok ang makukulay na kasuotan na siyang highlight na nasabing sayawan sa tugtog ng tradisyunal na bicolano masterpiece na pantomina. Ang ‘Padadyaw sa Tinampo’ ay isa sa mga highlights ng Catandungan Festival kung saan ang mga kalahok nito ay nagsasayaw sa sa saliw ng tugtog na pantomina, isang lokal na kanta noong unang panahon na ginagamit ng mga kalalakihan sa pag-akyat ng ligaw.
Samantala, nahirang naman bilang second place ang bayan ng San Andres na tumanggap rin ng dalawampung libong (P 20,000) piso habang pumangatlo naman ang bayan ng Baras na tumanggap rin ng sampung libong (P 10,000) piso. Bukod rito, wala namang uuwing luhaan sapagkat tumanggap rin ng tig-limang libong (P 5,000) piso ang mga talunan bilang consolation prizes. Lumahok nsa nasabing patimpalak ang siyam (9) na bayan maliban sa bayan ng Pandan at Gigmoto. (J.Panti)