Virac, Catanduanes – Ipinagsigawan nin Epimaco V. Densing III na wala ng mahirap o maghihirap sa sistema ng pederalismo na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon. Nagkaroon ito ng sari-saring reaksyon mula sa mga dumalo sa “First Provincial Forum” noong ika-16 ng Oktubre, 2017 sa covered court Plaza Rizal ng bayang ito.
Ayon kay Densing lll, ang labis kahirapan, walang makain at hindi patay na oportunidad sa bawat mamayan ang isa sa mga rason kong bakit may krimen, droga at terorista sa lipunan.
“Kahirapan ang naging ugat ng rebelyon sa kapabayaan ng pamahalaan”, dagdag pa ni Densing III. “Ang federalismo ay isang uri ng sistema ng pamamahala ng isang bansa kung saan ang estado ang nasusunod sa pagpapatakbo ng pamahalaan,” pahayag naman Alkalde Samuel Laynes.
Kaugnay nito, hinamon ni Densing III ang mga mamamayan na makialam sa pagpapalakad ng gobyerno. Sinabi ito ng opisyal upang mas maging aktibo umano ang mga mamamayan na lumahok sa anumang aktibidad na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon. “Si Duterte ay Pagbabago, Pagbabago ay si Duterte”, ito ang kayang tinuran sa nasabing pagtitipon alinsunod sa pagbabagong hatid ng Duterte Administration.
Ang naturang forum ay nilahukan ng mga local na opisyal sa pangunguna ni Gobernador Joseph C. Cua, DILG Regional Director Elouisa T. Pastor at mga delegante na nagmula pa sa labing isang bayan ng Catanduanes, iba’t-ibang sector ng lipunan at ng mga ordinaryong mamamayan. Sinabi pa ng opisyal na sa pamamagitan umano ng pag-gabay ng mamamayan sa mga opisyal ng gobyerno ang susi sa tunay na pagbabago at ito rin aniya ang magbibigay daan upang matukoy ang mga pangangailangan ng taong bayan. Paalala pa ni Densing lll “Tayo mismo! Sa ating mga kamay nakasalalay ang tunay na pagbabago!” (Claire Alejandro/J.Panti)