Napakaraming halinghingan sa kanto kasunod ng ipinamudmod na bonus ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan hindi umano pantay-pantay ang distribusyon ng nasabing bonus dahilan upang maghinanakit ang ilan.

Ayon kay Erning na nakatanggap na ng bonus, marami umano sa kapamilya, kapuso, at kapatid nito ang hindi naambunan ng grasya! Hikhikhik! “Miyembro man ito kan 4Ps ugaring ngata ta dai pa nakaresibe nin bonus? Nasaan ang hustisya?” Hikhikhik! Rason naman ni Nay Bitsayda na nagshopping na sa SM (Saod Market) ng mga gamit sa bahay, “Iyo pan-o an kan dai kamo batid maggamit kan kwartang nareresibe nindo. Kun bako sa bulangan, aduman sa paykyuhan, kun bako man aduman sa pulang ilaw piling milyonaryo!” Hinay-hinay ka lang Nay Bitsayda, baka malaglag ang pustiso mo…este ang puso mo! Hikhikik!

Alam niyo mga Kaperyodiko ang programang 4Ps ay nalikha upang tulungan ang mga kababayan nating naghihikahos at gusting iangat ang estado ng pamumuhay subalit kung sa tuwing nakakatanggap tayo ng asistensyang pinansyal na piling natin one-time millionaire na tayo. Gastos dito, gastos doon, eh baka bawiin sa atin ito ng gobyerno. Subalit may sagot si Wakin Matador na pilosopo, “Ya dai man baga ninda tig-monitor kun sain ginamit so kwarta an importante maogma.” Hikhikhik! Mali ka diyan Wakin Matador, ang kaparehong tulong na ito ay pribilihiyo lamang na maaaring bawiin anumang oras.

Kung hindi natin ito gagamitin sa mga bagay na pinaglaanan ay baka manganib ang membership natin dito. Sa usapin naman ng distribusyon nito, kinakailangan na ipamahagi ito sa taong mas nangangailangan ng katumbas sa estado ng buhay nito. Ibigay ko na ang mikropono kay Atty. Not-Yet na si Poroy baka pagalitan ako! Hikhikhik!

“Equity is different with equality. In equality, the distribution is fairly given to all regardless their needs where in equity, the distribution is commensurate to the needs of every individual. Give it to those needy not with the greedy. In this case, there is no equitable distribution because the lower and the middle class people receives similar amount. If there is equity, it should be the poor will receive more while the middle class will receive less. Now, I believe that the 4Ps is an evidence of governmental failure. Their means of giving financial assistance instead of pangkabuhayan package or trainings to create jobs, the government helps the people become more idle and reactive.

The constituent opted not to find jobs or create one because they heavily relied on what the government will provide. True to the maxim, ‘Do not ask what can the government do to you instead ask what can you do to the government.’ 4Ps defines this. The behavior of the people speaks for itself with respect to those receiving from 4Ps and trying to invest such assistance to create business. They were the one deserves this benefits.” Social analyst ka na rin pala ngayon Atty. Not-Yet Poroy! Hikhikhik!
****
Isa ring usapin mga Kaperyodiko ang financial assistance na ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan kaugnay sa mga nasalanta ng Bagyong Nina noong nakaraang taon kung saan namimili lamang di umano ang mga lokal na opisyal kung sino ang bibigyan at pipiliin kung sino ang ilalagay sa kategoryang partial o totally damaged. At huwag kayo mga Kaperyodiko, ayon sa impormasyon ng dating bubwit, pinagkakainteresan pa umano ni Honorable Captain ang perang para sana sa nasasakupan niya. Panay partial damage lamang umano ang lumalabas sa talaan kung saan konti lang ang natatanggap nito kumpara sa totally damaged na residente.

Isa pa mga Kaperyodiko, ito daw na kapitan na ito ang gamit na master list sa pamamahagi ay ang kanyang mahiwagang listahan ng mga bomoto sa kanya noong nakaraang eleksyon! Gahaman ka po Kapitan! Hikhikhik! Parang torong sumabat si Wakin Matador, “Sobrang gahaman mo Kapitan! Dai kan supog! Nasa lebel ka pa sana nin pagka-kapitan pero an sungay mo gaboribod na! Dapat saimo paimbestigaran nganing matangkas ka sa pwesto mo! Pwe!” Easy! Easy! Hikhikhik!

Nagtitimpi naman sa galit si Erning na nakulayan ni Kapitan, “So harung mi sarung kaldero buda kalson ni Misis an natada kan pagbagyo bako daang totally damaged? Anong gusto ninda isabod ko pa so kaldero buda so kalson ni Misis para mataram na totally damaged harong mi?” baka naman kasi may sentimental value sayo Erning ang panty ng Misis mo! Hikhikhik! Doon ka kasi bomoto sa ibang kulay! Hikhikhik!

Atty. Not-Yet Poroy, pasok! “In this kind of situation particularly typhoon situation we need to set aside the politics. Politicking happens only during elections. After that, as a leader, all constituent must be treated fairly as if there is nothing happened. Besides, what you gone through during tempest is as the same as he is. So, we need to help each other. Be fair to our people. Separate politics from leadership.

However, if your unlawful acts was willfully committed by you for your personal gains, you must be annihilated! People like you don’t deserve to run a government office. Public office is a public trust. Always remember that. Give them what is due for them and take what is only due for you.” Nagdugo ilong ko doon Atty. Not-Yet Poroy! Hikhikhik!

Pero isa lang ang naintindihan ko sa mga sinabi mo. In short, ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan subalit ang nangyayari sa mga barangay natin yung para kay Juan ay napupunta pa rink ay Pedro! Hikhikhik! Kitakits mga Kaperyodiko!

Advertisement