Kabi-kabila ang komento ng mga mamamayan kabilang na ang social media sa dobleng pagtaas ng sahod ng mga men in uniform. May mga positibong komento kung saan isa umano itong palataandaan na ang Pilipinas ay umaasenso na at ang pagtaas ng sahod na ito ay makatutulong umano na maibsan ang kurapsyon sa hanay ng mga unipormadong kawani ng gobyerno partikular na ang mga kapulisan.
Subalit nariyan din mga Kaperyodiko ang mga negatibong komento ng ating kapwa katulad na lamang ng pagkakaroon ng favoritism ni Pangulong Duterte sa uniformed services. At kung bakit tila ba hindi pinapansin ni PDuterte ang ibang sektor ng manggagawa sa gobyerno laong-lalo na ang mga guro. Eh di wow! Hikhikhik!
Alam ninyo mga Kaperyodiko, to give the benefit the doubt sa ating mga lispu, ang hanay naman talaga nila ang frontliners ng ating pamahalaan pagdating sa seguridad ng bansa. Ang tanung, ano ang pinagkaiba nila sa mga guro?
“Siguro siyam an buhay nin mga maestro y maestro pero an pulis daa saro sana. Hikhikhik!” Papilosopong komento ni Nay Bitsayda. Sagot naman ni Wakin Matador, “Kun hihilingon ta, may mga pulis na patukaw-tukaw man sana, gahalat nin ugay nin grasya. Igwa man nin mga titser arog kaitong mga gatuturo duman sa Dugui Area, haros sa urualdaw na ginibo ni Mahal na Diyos ilaag ninda sa kadipisilan an saindang mga buhay duman lalo na kun maraot an panahon.” Gusto ko ang argumento mo, Wakin Matador.
May point, hindi na pointless.Hikhikhik! In fairness naman sa mga nasa teaching profession, may mga pagkakataon din naman na nasusuong sa panganib ang kanilang mga buhay subalit hindi sa lahat ng panahon. Hindi katulad sa pulis na tanging sa kanilang mga tahanan ay hindi ito ligtas. Ganoon mga Kaperyodiko ang risk na mayroon ang pulis kumpara sa mga guro.
Assuming arguendo, huwag nating ikumpara ang risk na mayroon ang pulis doon sa risk na mayroon ang mga guro at ang iba pang propesyon. They have a different and distinct profession that poses dissimilar risk in their everyday living. Ang tanong naman dito mga Kaperyodiko, nilabag ba ng gobyerno ang ‘equal protection’ clause sa Konstitusyon?
Ang probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing kung ano ang natanggap ni Pedro ay kailangang matanggap din ni Juan at kung ano ang ipinagkait kay Pedro ay kailangan ding ipagkait kay Juan. Hikhikhik! Ito ang probisyon na magpo-protekta sa labis-labis na paboritismo o diskriminasyon mula sa pamahalaan. Mas mainam siguro mga Kaperyodiko kung may mag-raise ng isyu na ito sa hukuman upang i-test ang nasabing desisyon ng pamahalaan kung ito ay may nilabag na probisyon sa Konstitusyon. Let’s call Atty-Not-Yet Poroy! Hikhikhik!
“The equal protection of the law is embraced in the concept of due process, as every unfair discrimination offends the requirements of justice and fair play. It has nonetheless been embodied in a separate clause in Section 1 of Article III to provide for a more specific guaranty against any form of undue favoritism or hostility from the government.
Arbitrariness in general may be challenged on the basis of the due process clause. But if the particular act assailed partakes of an unwarranted partiality or prejudice, the sharper weapon to cut it down is the equal protection clause. It simply requires that all persons or things, similarly situated should be treated alike, both as to rights conferred and responsibilities imposed. Similar subjects, in other words, should not be treated differently, so as to give undue favor to some and unjustly discriminate against others. What the clause requires is equality among equals as determined according to a valid classification.
By classification is meant the grouping of persons or things similar to each other in certain particulars and different from all others in these same particulars. The SC ruled that equal protection clause does not guarantee absolute equality. There may be classification. Persons or things ostensibly similarly situated may, nonetheless, be treated differently if there is a basis for valid classification.”
Very well said, Atty-Not-Yet-Poroy! Hikhikhik! Ayon naman pala. Ngayon malinaw na. Hikhikhik! Ang kay Pedro hindi pala pwede kay Juan. Hikhikhik! Kung susumahin sa paliwanag ni Atty-Not-Yet-Poroy, kailangan ‘similarly situated’ ang isa o dalawang classes ng tao bago tingnan kung may violation of equal protection. Para ikonsidera ng gobyerno ang panawagan, ang million dollar question mga Kaperyodiko, are the men in uniform, teachers and other professionals are similarly situated? Hikhikhik! Kitakits mga Kaperyodiko!