Virac, Catanduanes- Bilang suporta sa kampanya ni Pres. Rodrigo Duterte kontra sa iligal na droga, aarangkada na ang Provincial Drug Summit sa lalawigan ng Catanduanes ngayong Pebrero 28.
Napagkasunduan ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes, Department of Interior and Local Government (DILG), Catanduanes Provincial Police Office (CATPPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Department of Health (DOH) sa isinagawang ikalawang pagtitipon noong Pebrero 19, 2018.
Kasama sa mga lalahok ang mga Punong Barangay, Barangay Secretary, mga miyembro Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), Chief of Police at ang Core Team members.
Ang naturang programa ay tatampukan ng mga forums at discussions kaugnay sa mga legal na basehan sa drug clearing operations na ipapaunawa ng tagapagsalita ng PDEA.
Sinabi ni Local Government Operations Officer – V (LGOO – V) ng DILG Mary Gracelou A. Velarde na marami pa umanong dokumentong kakailanganin upang ikonsidera ang isang barangay na drug-cleared barangay, “Out of how many barangays na dakol ang drug surrendered, apat pa lang ang nag drug clear so kaipuhan paspasan ta na kasi medyo nahuhuli na kita, ” Paglalahad ng opisyal.
Ang nasabing programa ay naglalayong ipaalam sa mga opisyal ng komunidad ang pagpapaigting ng drug clearing operations sa bawat barangay sa lalawigang ito upang maisakatuparan ang hangarin nito na maging drug-free province sa buong kapuluan.
Samantala, kasunod ng nasabing Drug Summit sa Virac ngayong Pebrero 28, isusunopd naman ang Provincial Drug Summit sa bayan ng San Miguel sa Marso 1, 2018 at Marso 2, 2018 sa bayan ng San Andres. (GO/ RD4)