Virac, Catanduanes- Kulong ng aabot sa labing-apat (14) na taon ang apat (3) na lalaki, matapos hatulan ng guilty sa possession of illegal drugs noong ika-6 ng Marso 2018.

Sa apatnapung (40) pahinang desisyon ni Presiding Judge Lelu P. Contreras ng Regional Trial Court (RTC) – Catanduanes Br. 43, napatunayang nagkasala sina Roden Camano y Zafe, anak ni Mayor Camano, Philip Trinidad y Icaonapo, Romeo Salay y Berces, at Neil Christian Nash y Tubeo dahil sa paglabag sa Sec. 11 (possession of dangerous drugs) RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa desisyon ng korte, merong indeterminate sentence na labing dalawang (12) taon at isang (1) araw bilang minimum hanggang labing apat (14) na taon, walong (8) buwan at isang (1) araw na pagkakakulong bilang maximum at multang tatlong daang libong piso (P300, 000.00). Pinatawan din ang mga ito ng parusa mula sa anim (6) na buwan at isang (1) araw bilang minimum hanggang dalawang (2) taon, apat (4) na buwan at isang (1) araw bilang maximum na pagkakakulong at multang sampung libong piso (P10, 000.00) para sa Sec. 12 (possession of drug paraphernalia) ng R.A. 9165.

Nakasaad sa desisyon na ang mga inconsistent, conflicting, at contradicting na mga pahayag nina Trinidad, Sanglay, at Nash ay nagbigay ng duda sa korte sa kanilang kredibilidad at bersyon ng insidente kung saan ito nadakip. Hindi nakumbinsi ang hukuman na dahilan umano ng pagtatagpo ng tatlo sa nasabing petsa at lugar ay dahil sa pagbebenta ng motorsiklo ganundin ang alibi ni Camano na pinapunta nito si Sanglay sa isang lodge upang ipakilala sa isang babae dahil hindi nabanggit kailanman ni Sanglay sa direct examination.

Hindi rin naniwala ang korte na isang setup ang nangyari sa pagitan ni Camano at mga kapulisan. Ayon sa korte, kahit sino pa umano ang nag-initiate na pumunta sa naturang lodge at sa kung anumang kadahilanan, ang katotohanan umano ay naroon ang apat (4) na akusado sa room 4 ng lodge noong ika-11 ng Agosto 2010 at dooon nakuha ang drug items at paraphernalia.

Legal umano ang pag-aresto sa mga ito sa pamamagitan ng plain-view doctrine batay na rin sa isang Supreme Court decision “The law enforcement officer must lawfully make an initial intrusion or properly be in a position from which he can particularly view the area. In the course of such lawful intrusion he came inadvertently across a piece of evidence incriminating the accused. The object must be open to eye and hand and its discovery inadvertent.” Bahagi ng desisyon.

Ang pagpasok umano sa kwarto ni Police Senior Inspector Gallinera ay legal dahil hindi nito pinuwersa ang sarili. Nang bukasan umano ang mga pulis, hindi pa ito pumasok sa kwarto, bagkus nagtanong na may hinahanap dahil may nag-iingay sa loob ng kwarto at doon na tumambad sa mata ng otoridad ang drug paraphernalia na nakalatag sa kama.

Kung kaya’t naniwala ang korte na ang pagkakadiskubre nito ay “open to the eye and hand and its discovery inadvertently.

Isa umanong ‘in flagrante delicto’ ang nangyari at ito ay isang warrantless search and arrest, batay sa kaparehong desisyon ng Korte Suprema.

“xxx… There was therefore sufficient probable cause for the police officers to believe that the petitioner and Villaflor, was there and then committing a crime. As it turned out, the petitioner indeed possessed a prohibited drug and, together with Villaflor, was then using a prohibited drug and likewise illegally possessed drug paraphernalia, contrary to law. When an accused is caught in flagrante delicto, the police officer is not only authorized but are duty-bound to arrest him even without a warrant. ….xxx”

Ipinaliwanag ng korte ang involvement ni Camano kahit pa umano nasa labas ito ng kwartong pinangyarihan ay sangkot pa rin umano dahil sa pag-amin nito na ito ang may-ari ng itim na bag na may lamang drug paraphernalias.

Depensa nito, hindi na umano nito natatandaan kung saan nailagay ang nasabing bag sa loob ng kwarto, sa katunayan umano ay may nakalagay na pangalang “Roden Camano” dito. “Possession under the law includes not only possession, but also constructive possession. Actual possession exists when the drug is in the immediate physical possession or control of the accused.

On the on the other hand, constructive possession exists when the drug is under the dominion and control of the accused or when he has the right to exercise dominion and control over the place where it is found. Exclusive possession or control is not necessary. The accused cannot avoid conviction if his right to exercise control and dominion over the place where the contraband is located, is shared with another. Thus conviction need not be predicated upon exclusive possession, and a showing of non-exclusive would not exonerate the accused,” bahagi ng desisyon.

Matatandaang Agosto noong 2010 nang aksidenteng mahuli ng otoridad ang nasabing akusado na gumagamit ng iligal na droga sa isang lodge sa Brgy. Cavinitan, Virac, Catanduanes. (RD4)

Advertisement