May nakarating na impormasyon sa inyong lingkod mga Kaperyodiko na ipinapa-release umano pabor sa may-ari ang isang dump truck na nakumpiska sa illegal na pagbyahe ng lumber materials noong isang linggo sa kadahilanang wala umanong alam ang may –ari nito sa illegal na gawain ng nagmamaneho rito.

Ayon pa sa ating bubuwit, napag-alaman umano na ang nasabing trak ay personal na pagmamay-ari ng isang mataas na opisyal at nirentahan lamang umano ng isang construction businessman na gagamitin sana sa pagbyahe ng buhangin at graba na pagmamay-ari naman ng isang enhinyero. Hikhikhik!

Base pa sa makulit na bubuwit, inutusan umano ni Engr. ang dalawang tauhan nito na pick-apin ang lumber materials sa bayan ng Bagamanoc subalit natunugan ito ng mga operatiba partikular na ng Crime investigation and Detection Group (CIDG) kung kaya’t nasabat ito sa bayan ng Virac. Good job! Hikhikhik!

Gusto magkomento ni Erning na dating nakulong sa illegal na pagputol ng illegal na kahoy subalit mas pinili nitong manahimik na lamang. Iyan ng pinakamagandang comment Kaperyodikong Erning, ang ‘no comment.’ Hikhikhik! Agad namang sumabat si Wakin Matador, “An pagdakop madali, an pagpakulong sa mga ini an masakit.

An hapot ko Mr. Tagulipdan, ano an pinagkaiba nin nagsugo sa nagtubod?” Napakagandang tanong niyan Wakin Matador, ang pinagkaiba ng nag-uutos sa mismong gumagawa ng iligal ay ang kanilang social status! Hikhikhik!

Kung ikaw ay kabilang sa mataas na antas ng pamumuhay, madali lamang saiyo ang mag-utos maging legal man ito o iligal subalit kung iakw naman ay nasa pinakamababang antas at wala kang magagawa kundi ang sumunod dahil mayroon kang sampung anak na pinapakain, wala kang ibang no choice! Hikhikhik! Pero sa ganitong sitwasyon, ikaw na sumusunod lamang ang malalagay sa alanganin dahil ikaw na ayon narin sa batas ang may possession ng naturang undocumented lumber materials.

Bumalik tayo sa isyu ng trak, hikhikhik! May kaunting napansin si Nay Bitsayda, “Ano ta so karabaw na ginamit sa pagguyod nin mga troso kaipuhan ihampang buda kumpiskahon pabor sa gobyerno, pero so trak na pareho man an ginamitan, kaipuhan tangkason duman sa kaso buda iribod sa kansadiri?” Hikhikhik!

Sa rason na walang alam ang orihinal na may-ari nito ay isang mababaw na kadahilanan. Paano kung ang kalabaw na ginamit sa illegal logging ay hindi pag-aari ng mismong taong gumamit nito at wala rin itong alam sa pinaggamitan ng kalabaw? Ibig sabihin ba nito, lahat ng instrumentong ginamit sa illegal na aktibidad na hindi pag-aari ng taong nahuli at wala rin itong alam ay maaaring hilingin sa korte upang i-release ito? Hikhikhik!

Paano kung pumayag ang mga apprenhending officers na i-release ang trak? Anong mangyayari? Masasayang lang mga Sir at Mam ang inyong pagod at puyat sa paghuli ng anumang iligal na aktibidad maging kahoy man ito o droga. Baka naman ang theme song ng ating mga kapulisan ay “One call away ni Ed Sheeran!”Hikhikhik! May impormasyon ding nakarating sa inyong lingkod na lumapit na umano si Engr. sa DENR upang ipakiusap na huwag na idamay pa ang trak. Hikhikhik! Magtanong na nga lang tayo kay Atty. Not-Yet na si Poroy.

“Justice should be applied to all regardless of its social standing. Settled is the rule that any means used in any illegal activities regardless who owns it shall be confiscated in favor of the government. In this case, in favor of the DENR to be disposed by them.

The contention that the real owner has no knowledge to the said illegal activity because it was only leased by a construction firm has no merit. In our obligations and contract laws, the lessee has the obligation to the lessor if the terms of such agreement or contract was not observed. In this case, the construction firm has the liability to the owner of the said dump truck. If it was confiscated by the government because it was used in transporting illegal lumbers, the owner should pursue the lessee on his/her liability.

What is the difference between a carabao and a truck that was used in illegal activities? None. It should be treated equally alike regardless of its value and the innocence of its owner. That is how it should be. When it was filed before the court, the court has no recourse but to apply the law as it is.

Let us not taint what was the law has provided. The owner has other recourse civilly to its lessee if he/she is after the value of the truck, as the case may be. But not with the court who has to and should order the confiscation of such vehicle as what it did to the carabao.” Magaling ka talaga Atty. Not-Yet Poroy! Hikhikhik!
Sa madaling sabi mga Kaperyodiko, ang halaga ng trak at halaga ng kalabaw kapag ito ay ginamit sa iligal na pamamaraan ay pareho lamang. Hikhikhik!

Kita kits mga Kaperyodiko!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.