Virac, Catanduanes- Mariing pinabulaanan ng kampo ng akusado sa shabu laboratory na may personal na galit ang ito sa huwes matapos banggitin ng hukom na ito ang nasa likod ng paghingi ng pabor para manatili sa NBI custody.

Sa eksklusibong panayam ng Bicol Peryodiko kay Atty. Erick Isidoro, sinabi nito na wala umano siyang personal na galit kay Judge Lelu P. Contreras na siyang may hurisdiksyon sa nasabing kaso.

Ayon kay Isidoro, tanging hiling lamang umano ng kanyang kampo ang manatili sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil naaawa umano siya sa kanyang mga anak kung saan nabu-bully na sa paaralaan.

Nakasaad pa sa mosyon dahil sa pangambang baka ipapatay sa lalawigan. Marami umanong Bicolano ang pinakulong nito sa loob ng dalawampu’t limang (25) taon bilang miyembro ng NBI kabilang na ang dalawa (2) umanong Bicolano na kanilang inoperate sa kasagsagan ng Kuratong Baleleng Gang. Bagay naman na kinontra ng hukom dahil wala umanong nakakulong sa lalawigan alin man sa mga ito.

Bukod pa rito, mariing pinabulaanan ni Isidoro ang alegasyon ng hukom na ito ang nasa likod ng mga tawag na natatanggap nito.

“The allegations that you have mentioned. I have no knowledge about that. I never give them an instructions. Aside from that ma’am, my motion that I requested to be transferred to Manila, not only for my safety, but because of my son. He was being bullied in the school putting me in the jail. Until now, ma’am they cannot believe that I am the mastermind, financier, everything. And the lone witness is accusing me everything, and I’ve been the only one in that case. Naaawa din dun ako sa anak ko because he is an honor student, maayos ang buhay niya, nasira siya that is why I am asking for humanitarian and compassion”, pahayag ni Isidoro.

Sinabi rin ni Isidoro na may nakabinbin umanong petition for review sa Department of Justice kaugnay sa nasabing usapin. “There is a pending petition for review, there is a request to transfer the venue and the Supreme Court did not rule on that request that is why I’m only hoping that you may rule favorably based on equity and fairness”, dagdag pa ng akusado.

Ayon naman kay Judge Contreras depensa lamang umano ito ni Isidoro, “The thing is wherever you may go, whether you are here in the Philippines or out, the news will reach your family, your family will be affected, that is the risk of being involved in this case.”

Samantala, naniniwala si Isidoro na naiipit lamang ito sa pulitika at lahat umano ng kanyang co-accused ay natanggal na sa kaso dahil umano sa isang malaking pulitiko ang gumasto ng malaki para lamang idiin si Isidoro sa kasong ito.

“I am very confident na my name will be cleared after we present our evidence. We are also waiting for the result of the petition for review. Definitely, I am very confident, it will be decided in favor of me.” Pahayag ni Isidoro.

Advertisement