Bato, Catanduanes – Sa botong 5-2, pormal ng tinuldukan ng mayoridad ng board ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang panukalang pansamantalang ilagay sa compound ang generator ng SUWECO.

Kasama sa mga bumoto ay sina Directors; Teresita Soledad ng Baras-Gigmoto District,  Robert Aquino ng Viga-Payo-Bagamanoc,  Marilyn Robles ng San Miguel District area, Arsenia Bernacer ng Caramoran-Pandan District at Rodulfo Vargas ng Bato District area. Sa panig ng komontra ay ang mismong board President na si Alex Ang Hun ng Virac at San Andres District representative Julian Soneja.

Ang panukala ay inihain ng bagong General Manager na si Raul Zafe bilang immediate solution sa nararanasang power shortage sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa unang hakbang ni Zafe, kaagad nagbigay ng kanyang opinion ang board president na hindi siya pipirma sa naturang panukala dahil hazardous ito sa panig ng mga empleyado ng FICELCO dahil sa ingay at polusyon.

Dahil sa naturang hakbang, nagkaroon ng consensus ang board na ipadaan sa botohan kung papayagan o hindi, Dahil dito, pormal ng ipinadala sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang magiging service agreement ng SUWECO at FICELCO para magkaroon ng augmentation supply hiwalay sa kasalukuyang hydro power plants sa Solong, San Miguel at Hitoma area, kung saan nakakaranas ng shortage dahil sa malimit nap ag-ulan.

Ayon kay SUWECO Spokesperson Lorenz Rojas, wala umanong dapat ipag-alala ang  mga member consumers ng FICELCO dahil merong subsidy rito ang pamahalaan kung kaya’t maiibsan ang mataas na presyo sa kanilang magigig supply.

Samantala, sa tanong hinggil sa dalawa pang ipinangakong hydro power plants na ipapatayo ng SUWECO sa bahagi ng Capipian area sa San Miguel at Hitoma, sinabi ni Plant Manager Floro Barrameda na dahil sa moratorium ng DENR sa pag-apruba ng Special Application on protected areas, kung kaya’t hindi pa sila makagsimula. Aniya 2009 pa nila isinumite ang application subalit wala pang tugon ang DENR.

 

 

 

Advertisement