LEGAZPI CITY – Inilabas na ng pulisya ang artist sketch ng dalawa sa anim na pinaghihinalaang suspek na pumaslang kay AKO Bicol Party-list Cong. Rodel Batocabe at police escort nitong si SPO1 Orlando Diaz.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Police Regional Office-5 spokesperson C/Insp. Maria Luisa Calubaquib, nakabatay umano sa salaysay ng mga witnesses ang nasabing sketch na pinadala ng National Bureau of Investigation sa tanggapan ng pulisya, kasama ang Special Investigation Task Group-Batocabe.

Sa ngayon inaantay na rin daw ng mga opisyal ang natitira pang artist sketch ng apat na iba pang itinuturong suspek.

Umakyat na sa P50-milyon ang reward money na inilabas para sa makapagtuturo sa mga salarin.
Itinaas na sa P50-million mula sa dating P30-million ang reward money sa makakapagturo sa pumaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagdagdag ng P20-million sa naunang P30 million reward money na pinag-ambagan ng mga kasamahang mambabatas ni Batocabe.

Isinagawa ng Pangulo ang pagdagdag ng reward money ng dumalaw ito sa burol ng mambabatas noong Miyerkules ng gabi.
Bagamat wala pang suspek ang PNP, naniniwala naman ang pangulo na politika ang motibo ng insidente.

Naniniwala ito sa naging pahayag ng asawa ni Batocabe na isang opisyal ng gobyerno ang nasa likod ng insidente.
“Wala, it could be anybody. When I say politically motivated, it could be the mayor, governor. But my favorite name now is the mayor. But I’m not saying who that mayor is,sinabi ng widow, I was still in Davao, sa news when I was listening before flying in, mayor alam mo na alam ko ang kalokohan mo, sabi ng asawa. Kaya sabihin ko na lang din, mayor I join the widow, baka ikaw nga.” wika ng pangulo.

Mas malakas at matimbang umano ang anggulong pulitika sa pamamaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.
Ito ang ibinunyag ni PNP Chief PDGen. Oscar Albayalde sa panayam ng Bombo Radyo.

Sinabi ni Albayalde na wala pang konkrektong ebidensiya ang PNP ukol dito, bagamat may mga nakukuha na silang mga leads hinggil sa mga indibidwal na nasa likod ng pamamaslang.

Sa ngayon, tukoy na rin ng SITG-Batocabe ang pagkakakilanlan ng anim na persons of interest na umanoy nasa likod sa pagpatay kay Cong. Batocabe.

Inaalam na rin kung ang mga ito ay kabilang sa mga gun for hire o mga private armed groups.
Ibinunyag pa ni Albayalde kasama sa iniimbestigahan ngayon ang isang grupo ng gun-for-hire group na mayroong 28 miyembro na nag-ooperate sa Bicol region. Disyembre 31, inihatid sa huling hantungan ang namayapang solon. (source: bombo radyo.com)

Advertisement