SA WAKAS  pagkalipas ng kalahating taong hiatus , narito na naman po si MANDING  mga katoto, mga Ka-Peryodiko.  Fresh from the much needed rest-cum-travel here and abroad.  

          Kasama ang aking maybahay na taga-Otab kaya alisto man na tulad ko, kami ay nagliwaliw sa Asian countries bilang sidekick ni Heneral ko—hindi kumander. 

          Kapag kumander kasi ang tawag natin sa ating waswit, isa lang ang kahulugan nito—na malamang ako, ikaw, tayo ay miyembro ng TAKUZA. Yon bang mga “takot sa asawa” kuno he- he- he.  

          Kinuha ko ang ideyang ito kay dating USSR charismatic leader—MIKHAIL GORVACHEV– na hinangaan at naging popular sa buong mundo dahilan sa kanyang legacy na tinawag nyang “glasnost and perestroika” na sasaliksikin ko ulit ang kahulugan.

          Sa kayang state visits sa ibat-ibang nasyon sa buong mundo ang address o tawag nya sa kanyang first lady na si Madam RAIZA ay: :MY GENERAL.” Subtle and witty address di ba? Ibig sabihin he’s the boss within and outside his office as the highest leader in USSR back in the 80s.

                                                                                         * * * *

          Napakabilis ng oras o panahon mga amigo. Klarado ang kaganapan mga Ka-Peryodiko. Pagkatapos ng commencement exercises sa lahat na antas ng pag-aaral sa pampubliko o pribadong sector, ang MAHAL NA ARAW ang masusing hinihintay at isisilebrar ng sambayanang Pilipino lalo kan mga KRISTIYANONG KATOLIKO pati na rin itong mga  EVANGELICAL CHRISTIANS o BORN AGAIN CHRISTIANS.

          Sana sa PANAHON NG KUWARESMA bigyan natin ng sapat na panahon ang ating sarili na  tayo’y makapagdasal nang maigi, makapag-nilaynilay nang masusi kung sino at bakit tayo isinilang sa mundong ito ayon sa pananaw na isinulat ni PASTOR RICK WARREN sa kanyang aklat,  “THE PURPOSE DRIVEN LIFE.”

          Nawa’y magkaroon ulit ng “PPCRV-INITIATED CANDIDATES HOLY WEEK’S RETREAT” para magkaroon tayo ng CLEAN, PEACEFUL, AND HONEST ELECTIONS na isinusulong ng Commission on Elections (COMELEC).

          Nawa’y magkaroon muli ng “CANDIDATES FORUM” SA  PLAZA RIZAL COVERED COURTS na pangungunahan ng PPCRV-VIRAC DIOCESE bago dumating ang MIDTERM MAY 13 ELECTIONS.

          Ito’y lubusang kailangan para magkaroon ng tamang batayan at pagkakataon ang madlang pipol kung sino ang dapat pagkakatiwalaan ng ating TRUST AND CONFIDENCE FOR THE NEXT THREE YEARS sa kanilang napiling kandidatura sa mataas at mababang elective positions.    

Advertisement