Nagsumite na ng kanya-kanyang plano ang dalawang keyplayers ng kuryente sa probinsya up ang tugunan ang ibinigay na isang buwang palugit ng Committee on Energy ng Sangguniang Panlalawigan para aksyunan ang dekada ng problema sa kuryenteng probinsya.

Nitong ika-24 ng Hulyo, 2019 ay nagpadala na rin ng kanilang plano ang National Power Corporation (NAPOCOR) sa pamunuan ni PBM Edwin T. Tanael, Chairman, Committee on Energy. Ito ay naglalaman ng ‘action plan’ natumutukoy sa problema at mga karampatang aksyon na may kolaborasyon sa pamunuan ng SUWECO at FICELCO.

Matatandaan na una nang nagpasa ng ‘action plan’ ang First Catanduanes Electric Cooperative, Inc. (FICELCO) noong Hulyo 16, 2019 bilang tugon matapos ang isinagawang Multi-sectoral Consultative Meeting ng Hulyo 12, 2019.

Kasabay nito ang panibagong resolusyon na ipinasa na PBM Tanael, “Resolution reminding FICELCO, SUWECO and SUWECO expedient submission of a comprehensive plan to end brownouts in the province and submit the same within one month timeframe to the committee on Energy for evaluation and appropriate action.”

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay mayroon na lamang ng labing walong araw (18) ang SUWECO para magsumite ng kanilang plano at rekomendasyon para tugunan ang problema sa kuryente. Inihayag naman ni PBM Tanael na kung sino man ang may gustong humingi ng kopya ng mga nasabing action plan ay bukas ang kanyang opisina. (Ulat ni Joni Panti)

Advertisement