Virac, Catanduanes – Dahil sa dumaraming kaso ng Dengue sa lalawigan ng Catanduanes, ideneklara ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes ang bawat Byernes bilang Anti-Dengue Day.
Ang memorandum number 19 series of 2019 na may petsang Agosto 7, 2019 na ipinalabas mula sa tanggapan ni Acting Governor Shirley Abundo, ipinag-utos nito ang naturang hakbang upang magkaroon ng search and destroy laban sa mga pinamumugaran ng mga lamok, kung saan tinawag itong “Aksyon Agad! Labanan Ang Dengue!
Isa itong clean up drive, kung saan inaatasan nito ang lahat na Head of Offices ng mga government agencies, local government units, school, offices at ang komunidad na isagawa ang clean-up drive sa kanilang mga area of jurisdiction. Kasama rin ditto ang sabayang 4’o’clock Habit para sa Deng-Get Out Clean Up Drive sa kani-kanilang mga opisina mula ngayong buwan ng Agosto hanggang sa buong buwan ng Setyembre.
Hindi bababa sa 2 oras at maximum na 4 na oras kada Biyernes ang naturang schedule dahil sa nakakaalarmang sitwasyon. Kaugnay nito, hinimok ni Actinig Governor Abundo ang lahat na Catandunganon upang gawin ang 4 o’clock habit na ito upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue sa lalawigan ng Catanduanes. (ULAT NI CHEREVI LLAMERA)