Isa si Dr. John Robert D. Aquino sa tatlong (3) mga Bicolano na nabigyan ng parangal  sa  2019 Outstanding Government Workers Award sa Palasyo Malakanyang,   isang national search program ng Civil Service Commission (CSC).

Maliban kay Aquino, pasok din sina  Dr. Cedric Daep, Provincial Disaster Management Officer ng Albay Apsemo Pdrrmc at  Michelle Rubio, Master Teacher II ng Calao Elementary School, Prieto Diaz, Sorsogon.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, isang nakakatindig balahibong  tinig ang napakinggan sa mga mensaheng ibinigay ni Dr. Aquino sa mga Catandunganon bilang isa sa mga  pinagpipitaganang doctor sa lalawigan. si DR. ROBERT na kilala bilang Dr. JOHN sa kanilang tanggapan ay isang public servant na nanunungkulan bilang  Municipal Health Officer sa bayan ng Viga, Catanduanes.

Noong taong 2011, nakapasa siya sa board exam bilang doctor. Nagtapos siya sa Centro Escolar University sa kursong Biology at nagpakadalubhasa bilang doctor sa Far Eastern University (FEU)  NRMF College of Medicine. Lumaki siya sa bayan ng Payo, Catanduanes at nagtapos ng elementarya at high school. Ikinararangal ni Dr. John ang kanyang magulang na sina Mr. ang Mrs. Robert Aquino. Ang kanyang ama ay kasalukuyang Director ng FICELCO board.

Maliban sa pagiging doctor, masasabing bahagi rin siya sa mga nagbibigay ng medical information sa media bilang host sa pamamagitan ng isang local radio station sa bayan ng Panganiban.

Nagpapakita na hindi lamang basta epektibong host ng programa bagkus pinapakita rin niya ang kanyang kagalingan sa larangan ng Medisina at tunay na serbisyo publiko.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Peryodiko kay Dr. Aquino, sinabi nito na bagamat laman ng kanyang laging dasal ay talagang inaasahan niya na makasali sa Dangal ng Bayan Award dahil sa parangal na ibinigay sa kanya, ilang buwan pa lamang ang nakakaraan bilang  “Modelong Doktor” na isang National Award mula sa Department of Health kung saan lahat ng doktor ay nominado.Hindi niya umanong maipaliwanag ang kurot sa kanyang dibdib matapos magkatotoo nga ang kanyang panaginip na maging bahagi ng isang prestihiyusong gantimpala.

Nitong unang linggo ng Septyembre nang matanggap niya nga ang impormasyon mula mismo sa mga nagtataguyod ng parangal ng Civil Service Commission. Ayon sa kanya, isang malaking katuparan sa kanyang munting pangarap matapos na ipagdasal niya nito lamang Agosto sa Fiesta ng Viga, Patron Saint Our Lady of Assumption ang naturang kahilingan. Kasama pa umano siya sa mga kumanta sa choral group sa kapiyestahan ng Mahal na Ina at lagi niyang ipinapanalangin na bigyan siya ng mga signs. At sa araw mismong iyon ay nararamdaman niya ang biyayang ipagkakaloob sa kanya.

Maituturing ngayong modelo si Dr. John sa iba pang mga nagnanais magkaroon ng ganitong parangal matapos matanggap ang natatanging pagkilala na hindi lahat ng government employees ay nakakakuha ng ganitong parangal.

Ang parangal na ito ay iginagawad sa mga empleyado ng pamahalaan na may natatanging kontribusyon sa kanilang field of specialization. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-abot ng parangal sa napiling mga awardees sa Palasyo Malakanyang. Maliban sa cash prize na P 200,000 kaakibat nito ang tropeo na gawa mismo ng isang sikat na manlililok na si Napoleon Abueva at  Gold Medallion mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Maliban dito, qualified din ang doctor sa promotion at higit sa lahat makakatanggap din ng muklat matang scholarship from International and Local, kung saan sagot mismo ng gobyerno ang pinansyal na pagpapaaral dito.

“To be the Dangal ng Bayan Awardee is an honored to be thank of. You are just like promoted to the next level just like that”, masayang paglalahad ni Dr. Aquino sa panayam ng aming Station Manager at Publisher na si Ferdie Brizo ng Bicol at Radyo Peryodiko noong Setyembre 9, isang araw bago ang pagkilala sa Malakanyang.

Maitururing ngang client friendly at visible sa mga barangay ang awardee dahil merong direct contact ito sa mga residente lalo na sa mga nangangailangan ng tulong medikal. Maituturing aniyang naging advantage niya kung bakit napili siya ay ang pagiging innovative niya sa trabaho. Sakali umanong merong memorandum na ipinapagawa mula sa national agencies at iba pang tanggapan ay ginagawan niya ito ng proseso na mas pang nagiging malawak ang sistema at nadudokomento.

“Gusto ko kasi hands on when I manage a certain programs, dapat talagang nasusubaybayan po hindi po through memorandum or what, I see to it that I monitored and manage the program correctly po and may ano din program review, pagpapatuloy ni Aquino.  Kung pwede natin siyang baguhin o istop na kasi di na nga siya nawowork gagawin natin, dagdag pa nito.

“Every program na nila-launch po diyan sa Viga, ginagawan ko po siya ng monitoring and evaluation kung magkakaroon siya ng epekto sa community. Nakabuo ito ng kurba sa aking mga labi na nagpapahiwatig kung gaano siya ka pulido sa pagbibilang ng butyl”, ayon pa sa opisyal.

Ibinahagi  rin nito na noong 2014, nagpasa siya ng resolution “Mandating na lahat ng buntis ay manganak sa facility not in the house”, ayon sa kanya uUntil now, pinagpapatuloy parin niya kung kaya’t wala umanong Maternal Death issue sa halos 3-4 years na.

 ” I do what I do, full of integrity”, ayon pa sa doctor sa kabila ng kakulangan sa mga resources. Ang maganda umanong samahan nila ng kanyang mga kaempleyado ay isang mahalagang bagay kung papano niya narrating ang naturang parangal. 

Sa kabila ng natanggap niyang parangal, may mensahe siyang nais ipabatid: “This award sana maging guiding light hindi lang sa akin bagkus sa lahat ng government employees natin  sa Catanduanes. It will serve as the plane sa kanila na,  in what I wear, they are into. Kung saan sila nagwowork to give their best shot. Hindi naman ito it’s a fame na nandun ka, it’s being recognize because you do an outstanding works. Part of being a human ang ginagawa ko”, pagpapatuloy ni Dok,

“Maging inspirasyon sana ito sa atin na gawin ang mga bagay na nararapat lamang bilang isang empleyado ng gobyerno. Nandiyan ka sa posisyon na iyan dahil naniniwala ang mga tao sayo, kaya sana naniniwala ka rin sa sarili mo na tutuparin mo ang responsibilidad na nakaatang sayo dahil iyan ang tinatawag na “Pagpapakatao”. (Akda ni Jazelle Gianan)

Advertisement