Hindi na pinababanggit ng aming publisher ang isang alkalde na muntik ng kasuhan ng kanyang kliyente sa Maynila matapos tumalbog ang cheke noong Oktubre.

Ayon sa bubuwit, nag-issue umano ang alkalde na ito ng tatlong cheke bilang pambayad sa kliyente na  umatras sa pangarap na magkaroon ng bahay dahil tila nainip dahil sa pagiging tugaik ng alkalde?..hikhikhikhik!

Ang akala ng publisher naming  ay naayos na ang buto-buto kasi tumulong sana siya sa alkalde para hindi na mailagay sa kahihiyan kung kaya;t hindi na inilathala at maging on air ang humingi ng tulong. Kaya nga lamang, hindi pa pala naubos bayaran  ng alkalde ang kliyente kung kaya, tumawag umano muli sa kanya. Tila baga naging obligasyon na ng aming publisher na siya ang kumuntak sa alkalde dahil hindi pa pala nasettle ang kabuuang halaga..hikhikhikhik!

This time, tinext umano ng aming publisher ang alkalde dito sa isla, at nangako namang babayaran..hikhikhik!  Ayon sa alkalde, ang akala niya umano ay nabayaran na ng kanyang misis ang buo..hikhikhik! Ayor, hindi ba kayo nag-uusap ng misis mo? Hikhikhik!

Nangako na naman umano noong Nobyembre 15 ang alkalde at pa natin alam kung naayos na ang buto-buto dahil, sakaling hindi pa, sure na malalagay ito sa kontrobersiya at baka mameligro ang kanyang political career..hikhikhik!

Ang alkalde umanong ito ay nagdeklara ng milyones sa kanyang SALN at tinuturing na siyang pinakamayaman sa mga alkalde sa lalawigan ngayon..hikhikhik! Ang question, kung talagang mayaman itong alkalde, bakit ka natalbugan ng 250,000 lang naman? Hikhikhik!

Ang alkalde, ay bagito at libu-libo raw ang pinamudmod noong nakaraang halalan kung kaya’t nagsurrender yaong mga naging kalaban dahil bumaha raw ng pera..hikhikhik! Natalbugan yong iba? At nalimas din ang ilang kalaban dahil sa gastusan blues, kaya’t siya ang matibay na natira..Hikhikhik!

Ayor, solve mo na ba ang problem? Bayad ka din ng maaga pag may time!

Libong tuwa, saya at ligaya?

************

Dumarami na pala ang mga Badyao sa lalawigan ng Catanduanes. Malapit na kasi ang Disyembre, parang nasa fund raising sila ngayon.

Maging sa lalawigan ng Albay at ilang bahagi ng Bicol ay dumarami rin ang bilang ng mga namamalimos na ang sabi, mga Badyao umano ang mga ito?

Ang tanong, lumalabas din ba ang ating mga social workers sa isla? Bakanemen, lagi kayong nakasakay sa malamig na sasakyan at naka-tinted pa kung kaya’t di makita ang mga namamalimos at kumakalat na mga namamalimos sa ating kapaligiran?..hikhikhik!

Kung sabagay, pwedeng maximum tolerance ang policy ngayon dahil mapera naman ang tao at dumarami din sa Catanduanes ang mga generous person..hikhikhik!

Ayon sa ating bubuwit, ang sinasabing naglipanang  mga namamalimos ay mula pa sa mainland at dahil uso ang krimas carol, dineretsu na nila ang islang kayganda. Ok lang naman kung namamalimos, ang problema kung bayolente ang mga ito?

Maliban sa mga badyao, ang alam natin, dami na sila ngayon,  yaong mga humihingi ng biente sa mga food chains maging sa mga business establishments.

Teka, di ba kasama sa kanilang mga obligasyon ang alamin kung tigasaan ang mga ito?

Ang masaklap, kung ginagamit lamang ang mga taong ito kasali na ang mga bata na mamalimos para kanilang survival.

Dapat na ngang, pagtuunan ng pansin ito ng mga social workers natin. Social na rin ngayon ang mga namamalimos dahil meron ng requirements na 20 pesos ang mababang ibibigay mo? Hikhikhikh!

Baka naman kasi nagkakape ang mga ito sa Starbucks..hikhikhik!

Kita kitzz kaperyodiko!

********

Advertisement