SAN ANDRES, CATANDUANES – Sa isang marangyang Awards Night na isinagawa sa Manila Hotel, pinangalanan ng Department of Health ang Juan M. Alberto Memorial District Hospital (JMAMDH) bilang Hall of Famer sa Hospital Best Practices in Infection and Prevention Control.

Tinalo ng JMA Hospital ang lahat ng District Hospital sa buong Pilipinas para sa nasabing parangal. Ayon kay JMA Chief of Hospital Dr. Bessie Rodulfo-Zafe, limang taon na umanong hawak ng kanilang pagamutan ang nasabing titulo, at noong isang linggo nga, itinanghal silang Hall of Famer.

Maliban sa nasabing Award, nakuha rin ng JMA ang isa pang parangal bilang Best in anti-Microbial Stewardship.

Ang nasabing pagkilala sa husay ng JMA Hospital ay mula sa iba’t-ibang health organizations kagaya ng Philippine Hospital Association (PHA), United Laboratories (UNILAB), Philippine Hospital Infection Control Society (PHICS) at Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PHISMID).

Ang mga hurado sa nasabing seleksiyon ay pinamunuan ni Dr. Enrique Tayag ng DOH kabilang ang mga iba pa mula sa nabanggit na mga organisasyon.Kasama ng JMA Hopspital bilang mga Hall of Famers ang mga tanyag na hospital sa Maynila kagaya ng St. Luke’s Medical Center at Makati Medical Center.

Advertisement