Nanguna sa may pinakamataas na bilang ng Trafic Violators ang Bicol Region sa isinagawang Nationwide Intensified Enforcement ng LTO nitong nagdaang araw ng Biyernes November 22, 2019.

                Ayon sa naitalang datos ng LTO pumalo sa 1,053 na bilang ng apprehension at ang 60 ay mula sa Probinsya ng Catanduanes out of 4,990 apprehensions nationwide. karamihan sa mga bilang ng paglabag ay ang No helmet, No Seatbelt na s’yang paglabag sa RA 4136.

                Sa kabilang dako, tinipon ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat ng mga Media Practitioners mula sa ibat ibang panig ng siyudad sa probinsya ng Bicol Region, upang isagawa ang Media Convergence on Road Safety, na ginanap naman sa Villa Caceres Hotel ng Naga City.

                Ayon sa opisyal, bahagi umano ito ng hakbanging isinusulong na adbokasiya ng LTO para sa Road Safety Awareness, Dagdag pa umano ng pamunuan ng LTO na nakaaalarma na ang naturang kaso ng aksidente sa Pilipinas na may bilang 39 bawat araw ang namamatay. Tiniyak naman ng LTO Head Office na may kalalagyan ang mga personnel ng naturang ahensya sakali mang napag-alamang may mga nilalabag itong rules and laws patungkol sa traffic violations. (Robert A. Tavera)

Advertisement