Virac, Catanduanes – Hindi natuloy ang biyahe ng Cebu Pacific sa lalawigan ng Catanduanes nitong unang araw ng Hulyo.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko sa pamunuan ng Virac Airport dalawang linggo umanong hindi pa lilipad patungo rito ang cebu pac dahil patuloy pa umano ang paghahanda sa balik-operasyon ng nasabing paliparan.
Ang Cebu Pacific umano ay inaayos pa ang kanilang guidelines sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero upang magiging ligtas sa pagsakay ang mga pasahero sa loob ng dalawang linggo.
Dahil ditto, inaaasahan na sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Hulyo ang pagbabalik operasyon kapag maayos na ang protocols nito.
Sa ngayon, kinukonsulta pa ang LGUs kung ano ang desisyon sa nasabing isyu. Matatandaang naghain ng resoluyon ang SB Virac kamakailan upang hingin sa national office na gawing 50% capacity ang sakay nito.
Ang Cebu Pacific management umano ay magsasagawa ng flight manifest mula isa hanggang dalawang araw bago magsimula ang operasyon upang malaman kung anong mga munisipyo ang inaasahang uuwing mga locally stranded individual o mga OFWs. Hinihintay pa umano nila ang sagot ng Cebu Pacific bago makapagdedesisyon sa bagay na ito. (Ulat ni Pat Yutan)