Bato, Catanduanes โ Dahil sa kasalukuyang pandemia, nais ng isang bokal na ipagpaliban muna ng dalawang providers ang disconnection notices sa mga konsumedor.
Kasama sa mga tanggapang ito ang FICELCO at VIWAD na ibinalik na ang mga policy sa disconnection kapag hindi nakapagbayad sa tamang panahon.
Ayon kay PBM Edwin Tanael dapat umanong manatili ang policy habang hindi pa tapos ang deklarasyon ng State of Calamity. Layon nitong matulungan ang mga mamamayan na maka-recover sa pandemiang dulot ng COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng PHO Catanduanes, umakyat na sa apat (4) ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes na kung saan kabilang sina Bicol Patient #151 – 1 year old na batang lalaki mula Marilima, Virac, Bicol #188 – at Bicol #189 at ang pinakahuli at si patient 205 na close contact umano kay patient 151.
Samantala, recovered na sa nasabing virus sina Bicol #82 mula sa San Miguel, Bicol #83 mula sa Caragnag, San Andres at Patient #87 mula sa bayan ng Bagamanoc. (Ulat ni Jonie Panti)