Virac, Catanduanes – Inihayag ng alkalde ng Virac na may local transmission na ng COVID-19 matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlong residente na walang travel history.

Nitong nakaraang Sabado, Agosto 8 nang ilabas ng Department of Health-Bicol (DOH) ang pag positibo ng isang 51-anyos na engineer at 21-anyos na anak nito mula sa West Garden, Subdivison , Bigaa, maging ang 65-anyos (patient 649), market vendor mula sa Brgy. Gogon sa bayang ito.

Sa panayam ng Bicol Peryodiko kay Mayor Posoy Sarmiento, batay umano,  sakanilang contact tracing, lumalabas na local transmission na ang nangyari sapagkat hindi na nila matukoy kung saan nakuha ng tatlong nag positibo ang virus, lalo naโ€™t hindi naman LSI o ROF ang mga ito.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang isinasagawang contact tracing kung saan umabot na sa mahigit 100 contacts ang kanilang na โ€œtraceโ€ mula sa 19 na barangay sa bayan ng Virac kabilang ang mga barangay ng Bigaa, Calatagan, Casoocan, San Pablo, Concepcion, San Juan, Antipolo del Norte, Cavinitan, Ibong-Sapa, Calatagan (Tibang), Rawis, SIV, Gogon Centro, Simamla, Buyo, Sta Elena, Sta Cruz, Buenavista and Valencia.

Ang mga ito ay isinailalim na sa home lockdown pati ang kanilang mga pamilya at nakatakda ring isailalim sa swab test.

Sa huli nanawagan ang alkalde sa mga residente na huwag magpanic ngunit mas paigtingin ang pag-iingat, sumunod sa mga minimum health standards protocols at iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Agad rin aniyang makipag ugnayan sa BHERTS kung sakali man na makaramdam ng anumang sintomas ng COVID-19. (BNFM BICOL)

Advertisement