Caramoran, Catanduanes – Nag-donate na ng sampong libong (10,000) face masks, 18 thermometer scanners at apat (4) na Personal Protective Equipment (PPEs) mula sa Caramoran Metro Manila Reformists Association (CAMMRA).
Ito ang inilunsad ng proyektong “Project Anti-Pandemic” na kung saan ipino-promote ang kanilang organisasyon sa larangan ng pagtulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.
Ayon kay Remedios Saldua, Executive Vice President ng nasabing grupo, ito ay mapupunta sa public schools na sakop ng Caramoran lalo na ang barangay officials at BHERT na nangangailangan ng medical equipment.
Ang nasabing donasyon ay galing sa mga pribadong indibidwal na nagtitiwala sa adhikain ng CAMMRA. Nagkaroon na ng first batch of distribution ang nasabing donasyon noong ika-14 ng Agosto. Aniya, may darating pang mga medical equipments sa mga medical frontliners at sinisiguro niya na makumpleto ang pagbibigay ng donasyon sa 27 barangays ng Caramoran.
Matatandaang nagbigay na ng limang (5) scanners sa apat na barangay ng Caramoran noong nakaraang mga linggo pa.
Dagdag pa ni Saldua, masayang-masaya ang organisasyon dahil patuloy ang pagdonate ng medical equipments sa mga kababayang Caramoranon at alam niya na magagamit na nila ang medical equipments na ibinigay mula sa nasabing grupo.
Ang CAMMRA ay isang accredited NGO noong 2018 at transparency ng gobyerno na naglalayong tulungan ang mga Caramoranon sa oras ng pangangailangan lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.(Pat Yutan)