Virac, Catanduands – Sa kabila ng pandemiya, patuloy pa rin umano ang tulong ng lokal na pamahalaan sa edukasyon ng mga Catandunganon.

Sa kalatas ng kapitolyo sinabi ni  Gov. Joseph C. Cua, bagong sistema umano ng edukasyong babati sa mga estudyante’t guro sa pagbubukas ng klase sa Oktubre, 5, 2020.

Bilang augmentasyon umano sa mga equipment na kakailanganin para sa pag-imprinta ng modules, magbibigay ng mga kagamitan ang lokal  na pamahalaan na aabot sa  P8 milyon sa Department of Education (DepEd) sa lalawigan.

Kasama rito ang 25 yunit na risograph, o photocopy machines na nagkakahalagang P4.5 milyon. Labing-anim na laptops para sa mga guro na aabot sa kabuuang P960,000. Meron dinang limang (5) PC sets  na umaabot sa  halagang P300,000.

Samantala, kasama rin dito ang mahigit P750,000 para sa apat na projector at 21 na mga telebisyon. Ito ay magagamit umano sa radio and televised learning ng mga estudyante. Bilang karagdagang equipment sa paggawa ng mga modules, may printers, at ink na may kabuaang nasa P300,000 ang ibigay sa kagawaran.

Maliban sa mga ito, sinabi ng opisyal na bukas ang kaniyang opisina para sa mga paaralan at mga guro na nais humingi ng tulong o asistensiya.

 “Alam ko an yaagihan ngunyan na kadipisilan kan satuyang mga teachers. Lugod an satuyang programa na ini makatao nin diit na tuwang sa sainda,” paglalahad ng opisyal.

Advertisement