Virac, Catanduanes โ Matapos ang halos isang linggong sarado ang OB ward ng Eastern Bicol Medical Center (EBMC), binuksan muli ito sa mga pasyente.
Matatandaang, Agosto 10 nang magpalabas ng advisory ang EBMC matapos isailalim sa self-isolation ang isa nitong staff na close contact ng isang covid positive, habang hinihintay pa ang swab test result.
Dahil dito, nakiusap ang pamunuan na sa ibang hospital muna pwedeng magtungo ang mga pasyente lalo na ang mga nanganganak sa pamamagitan ng ceasarian.
Sa kumpirmasyon ni Hospital Chief Vietrez D. Abella, bumalik na umano ang kanilang anesthesiologist matapos ang leave of absence.
Samantala, napag-alaman ng Bicol Peryodiko na umaabot sa labing apat (14) na mga indigent patients na nagtungo sa isang pribadong ospital ang halos hindi makalabas dahil sa mataas na babayarin sa bill.
Hindi rin nabigyan ng kaukulang tulong pinansyal ang ilan sa mga ito dahil sa probihition sa polisiya na hindi binibigyan ng assistance ang mga pasyente sa pribadong ospital maging ito man ay indigent patients.