Dahil sa pagretiro ni Brigadier General Anthony S. Alcañeses,  umupo na sa pwesto nitong Seteyembre 3 ang bagong talagang Regional Director ng PNP Bicol na  si Brigadier General Bartolome Ragudos Bustamante.

Si Bustamante ay dating Deputy Director for Police Community Relations ng rehiyon, mula sa PMA “Makatao” class 1989 at tubong Pangasinan.

 Ang designation ng bagong opisyal ay ibinaba sa kaparehong petsa na nilagdaan ni PBrigadier Gen. Robert Rodriguez ng Directorate for Personnel and records management sa Camp Crame.

Isinagawa ang turn-over ceremony sa Camp Simeon Ola,  kasabay ng retirement ni Alcañeses.

Pagpapalakas sa community relations ang nais tutukan ni RD Bustamante sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng kapulisan sa Bicol Region. Maliban aniya sa PNP’s nine-point program, isusulong niya umano ang doktrina at matagal ng battlecry na “Kasurog Cops”, isang police-community policing system na may layuning pagtibayin ang ugnayan patungo sa mapayapa at maunlad na komunidad.

Malaking hamon aniya sa kanya ang bagong pwesto lalo nait nahaharap ang bansa sa pandemic. Kasama umano sa kanyang isusulong ang mga programa na naayon sa hinihingi ng bagong panahon.

“we have to come up with appropriate, timely intervention, and counter-action that would address all forms of threats to peace and order and security.”

“These are the core values that I would like to inculcate in our police force that in every action, there should be corresponding results because we have a community to look after,” pagtatapos ng opisyal.

Advertisement