Gigmoto, Catanduanes – Isang 45 anyos na mangingisda ang natagpuang patay sa Barangay Dororian sa bayang ito noong ika- 29 ng Setyembre 2020.     

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Gigmoto PNP, alas sais (6:00) ng gabi, noong Setyembre 28, 2020 nangisda pa ang mangingisda na kinilala lamang sa alyas “Kano”,  kasama ang dalawang pinsan nito sa karagatang sakop ng Dororian.

            Ayon sa mga kasamahan,  mag-aalas nuwebe (9:00) na ng gabi ay hindi na nila makita ang kasamahan kung kaya’t inakala nila nauna na itong umuwi sa kanyang bahay.

            Mag-aalas nuwebe (9:00) na ng sumunod na araw, Oktubre 29 nang makita ng isang residente na palutang-lutang ang katawan ng nasabing mangingisda. Dinala ang labi nito sa Gigmoto Rural Health Unit para sa pagsasagawa ng Post Mortem Examination. (Dindin Tabirara)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.