Virac, Catanduanes – Compressed modular instruction ang nakikitang solusyon ng bagong pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa lalawigan ng Catanduanes para masupplement ang humigit kumulang apat na put limang (45) araw na  backclog dahil sa sunod-sunod na bagyo.

Sa exclusive interview ng Bicol Peryodiko kay Division OIC Supt. Susan S. Collano, sinabi nitong, ilang araw matapos siyang dumating sa division ay nagkaroon na sila ng pagpupulong sa mga point persons upang talakayin ang ilang mahahalagang usapin sa distance learning.

Binubuo na umano nila ang preliminary proposal para sa compressed modular instruction na siyang isusumite sa regional office para sa approval. Kung ang dati umanong module ay merong mga activities posible umano itong bawasan sa pamamagitan ng revision sa module upang makaabot sa deadline maliban pa sa extension ng classes.

Ang importante umano, hindi mawala ang pinaka-objective ng kagawaran para sa paglinang o paghulog ng kaalaman ng mga estudyante sa kabila ng distance learning system.

Samantala, bahagi umano ng kanyang ageda sa kanyang pamunuan ay ang pagbisita sa mga paaralan para malaman ang tunay na sitwasyon at maaksyunan kaagad ang mga pangangailangan.

Sa katunayan, limang (5) araw matapos siyang mailipat sa division sinimulan niya na ang pagbisita sa ilang paaralan malapit sa division kagaya ng Catanduanes National High School at Pilot Elementary School, kung saan nalaman niya na umano ang ilang hakbang na ginagawa ng pamunuan. Gagawin niya rin umano ito sa ilang paaralan sa lalawigan para magkaroon ng konkretong assessment sa sitwasyon ng mga guro at paaralan.

Si Collano ay dumating sa lalawigan noong Pebrero 4 bilang kapalit ni dating Supt. Danilo Despi na nailipat na sa Iriga City Division.

Ayon kay Dr. Collano, ang kanyang pagiging Assistant Superintend sa lalawigan ng Camarines sur na isa sa may pinakamalaking papulasyon ng estudyante ang isa sa mga lakas niya upang magkaroon ng confidence para mapagtagumpayan ang magiging hamon sa  DepEd Catanduanes. Mangyayari rin umano ang anumang produktibong hakbang sa pamamagitan ng  epektibong collaboration ng mga kinauukulang kawani ng kagawaran, mga magulang,  estudyante maging mga stakeholders kasama na ang mga local government units.

Sa isyu ng distribusyon ng mga modules hindi umano gaanong problema maliban na lamang sa ilang malalayong barangay na nagagawan naman umano ito ng solusyon sa pamamagitan dahil may budget ang kagawaran ukol dito.

Sa usapin hinggil sa solicitation, ayon sa opisyal maging si Regional Director Gilbert Sadsad ay pinapanigan umano ang hakbang na ito ng mga guro para matugunan ang pangangailangan ng isang paaralan basta ito ay hindi napupunta sa personal.

Bahagi umano ito ng promosyon ng bayanihan upang maihatid ang epektibong edukalidad sa gitna ng pandemya at sunod-sunod na kalamidad. Hiningi nito ang kooperasyon sa media para sa mabilis na information dissemination ng mga mahahalagang impormasyon sa mga estudyante at mga magulang.

Advertisement