Kinumpirma ni TGP Partylist Congressman Jose “Bong” Teves na available pa ang 121M pesos, ang initial na naipangako ng Department of Agriculture (DA) para sa Abaca rehab sa Catanduanes.
Ayon sa kongresista, kasama sa paglalaanan ng naturang halaga ay ang pagtatanim o ang produksyon, pagbili ng pesticides, insecticides at iba pang kakailangan para sa recovery ng abaca industry.
Binigyang diin ni Teves na ang initial na 121M pesos para sa rehabilitasyon ng Abaca industry ay inaasahang maibibigay sa lokal na pamahalaan ngayong buwan ng Marso o Abril 2021.
Kaugnay nito, hinimok ni Teves ang lokal na pamahalaan na magbuo ng Technical Working Group (TWG) na mag-aaral sa rehabilitation plan. Sakali umanong kulang pa ang naturang halaga, tutulong umano sila ni Lone District kongresman Hector Sanchez para sa dagdag na budget sa kongreso o mga ahensya ng pamahalaan.
Malaki umano ang maitutulong nito sa economic recovery ng lalawigan, kasabay sa isinusulong ng mga opisyal para sa brank name ng Catanduanes as abaca Capital ng Catanduanes.
Ayon kay Teves, malaki aniya ang kanyang paniniwala na makakapasa ito sa senado matapos maaprubahan kamakailan sa House of Representatives. Pinasalamatan nito si Senator Cynthia Villar sa pabor na ibinibigay para sa mga measures sa panig ng senado. (EDEN TEVAR/PBA BATCH 11)