Virac, Catanduanes –  Nahalal bilang pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), Catanduanes Chapter na si Atty. Ramil Joselito B. Tamayo, tubong Caramoran, Catanduanes.

            Sa isinagawang election of officers nitong Pebrero 27 sa ARDCI function hall, nabatid na uncontested si Tamayo  sa naturang pwesto.

            Papalitan niya si outgoing President Jerry S. dela Cruz na manunungkulan sa loob ng dalawang taon simula ngayong 2021 hanggang 2023.

            Kasama sa iba pang mga nahalal sa IBP Catanduanes Chapter ay ang mga sumusunod: Vice President Atty. Domingo D. Vela II, Secretary Atty. Allan S. Zuniega, Treasurer Atty. Jocelyn B. Abines, PRO Atty. Norlito P. Agunday.Kasama naman sa mga nahirang bilang Board of Directors ay sina Atty. Alfred M. Aquino, Atty. Gregorio M. Sarmiento, Jr., Atty. Michevelli B.  Samonte, Atty. Rene John M. Velasco, Atty. Rizalina V. Tañon.

            Maliban sa mithiing ipagpatuloy ang magandang nasimulan ng kanyang mga predecessors, nais niya rin umanong ipagpatuloy ang magandang samahan sa organisasyon, magkaroon ng mga kawanggawa sa pamamagitan ng free legal education at iba pang mga aktibidad na makakatulong sa mga mamamayan.

            Si Tamayo ang kasalukuyang pangulo ng Catanduanes State University (CatSU) Alumni Association,  founder ng Gibac Foundation, senior partner ng TAZ Law Office at legal adviser ng Bicol Peryodiko.

Advertisement