Bato, Catanduanes – Pabor sa kooperatiba at higit sa lahat sa mga member- consumers ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang katuparan ng Submarine cable 69KV project sa lalawigan ng Catanduanes na kokonekta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito ang magkatugmang pahayag nina Congressman Hector S. Sanchez at FICELCO General Manager Raul V. Zafe sa magkahiwalay na panayam ng Bicol Peryodiko noong Mayo 4-5, 2021.
Ayon kay Congressman Sanchez, ang naturang proyekto ay siyang magiging kasagutan sa perennial brownouts at pagbaba ng presyo ng kuryente katulad ng binabayaran ng mga consumers sa mainland Bicol na umaabot lamang sa 5-7 pesos bawat kilowatt.
Sinabi pa ng mambabatas na sa kalaunan ang katuparan ng kanyang proyekto ay magiging paborable umano sa national government dahil mawawala na ang subsidy sa kooperatiba na umaabot humigit kumulang P22.3 bilyon bawat taon. Sa actual na halaga aabot sana sa 19 pesos ang babayaran ng konsyumer sa kooperatiba subalit umaabot lamang sa P11 pesos ang actual na binabayara0n Dahil sa UTMA subsidiya ng national government ang binabayaran ng miyembrong kunsumidures ay umaabot lang na P11.00 sa halip P19.00.
Sa tanong kung kelan maisasakatuparan ang proyekto sinabi nitong nagbigay ng assurance si Energy Secretary Alfonso Cusi na binigyan diumano siya ng marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang anumang proyektong nasimulan sa kanyang administrasyon. Isa rin aniya sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ay ang maging stable ang kuryente lalo na sa mga malalayong lugar kagaya ng Catanduanes.
Maliban sa Catanduanes, dalawang pang lalawigan ang may kaparehong proyekto kabilang na ang Marinduque sa lugar ni House Speaker Allan Lord Velasco at lalawigan ng Palawan.
Ayon naman kay GM Zafe, sa pag-uusap nila ni Chief Executive Officer ng Transco na si Atty. Matibag nagbigay umano ito ng assurance na matatapos ang proyekto sa loob ng isang taon matapos maisagawa ang feasibility study dahil mero ng available na pondo para rito. Ito ay taliwas sa dapat sanay tatlong taon ang bubunuin ng proyekto.
Dagdag pa ni Zafe na pabor umano sa FICELCO ang proyekto dahil ganap na mabibigyan ng solusyon ang matagal ng sakit ng ulo ng kanilang tanggapan dahil sa limitadong pondo resources.
Tatlong pondo ang inilahad ni Zafe na magiging benepisyo ng proyekto. Una, ay ang 69KV supply na siyang kokonekta sa national grid, ikalawa ay ang management system operation at ang ikatlo ay ang dagdag na pasilidad, partikular ang tinatawag na “Eskada”.
Ang eskada ay ang isang system operation, kung saan hindi magiging apektado ang buong linya ngg kooperatiba kung merong problema ang isang lugar dahil magkakaroon ng mga sub-stations. Tutulungan din umano ang ficelco na mapalitan ang mga linya ng kuryente na siyang pangunahing sakit ng ulo ng kooperatiba sa matagal ng panahon.
Pagtatapos ni Sanchez, malaki ang magiging impact ng proyekto dahil marami ang magkaka-interes na mga investors na maglalagak ng kanilang negosyo at tulong ito sa empleyo maliban pa sa lalakas ang internet based employment.