Virac, Catanduanes โ€“ Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Catanduanes State University (CatSU) isinagawa ang public presentation sa mga aspirante sa pagkapangulo sa pamamagitan sa social media via facebook live ng noong Hunyo 8, 2021, alas dos ng hapon sa CatSu gymnasium.

Inaasahang, sa araw na ito, Hunyo 24 huhushagan ng Board of Regents ang kapalaran ng mga aplikante at kaagad itong manunumpa matapos ang deliberasyon na gagawin sa pamamagitan ng virtual conference.

Ang tatlong nangangarap na maging pangulo ay sina Agustin N. Arceรฑa, Dr. Marilyn B. Panti at Dr. Patrick Alain T. Azanza na kapwa naglatag ng kani-kanilang komprerehsibong programa  sakaling mapili bilang pinuno ng unibersidad sa susunod na apat na taon.

 Inilahad ni Dr. Arcenas ang kanyang vision at mission: โ€œBy 2030, CatSU is a leading GREEN UNIVERSITY in the Bicol Region engaged in advanced technological and professional education towards innovation and research-based intervention for societal advancement. Mission: Catsu endeavors and commits to provide industry-relevant curricula of international standards and research and extension projects anchored sustainable projectโ€.

Narito naman ang vision ni Dr. Panti, โ€œTransformative university engaged in globally relevant research and innovation for sustainable developmentโ€. Mission: โ€œImbue quality excellence in the mandate of the university developing value oriented individuals and contributing to productive and satisfying livesโ€.

            Samantala ito naman ang vision ni Dr. Azanza: โ€œTo become globally recognized research university committed excellent services to the nationโ€. Mission: โ€œpromote quality instruction thru a comprehensive review of the course offering and teaching methodologies and give focus on critical thinking, creativity, technological skill and academic competencies. Develop the research and publication capabilities of its faculty, staff and students ensuring that they pass peer-reviewed and referred publication requirements both national and international levelโ€.

            Noong Hunyo 9, sunod na humarap ang mga asperante sa masusing panel interview (via zoom) ng Selection Committee for the Presidency (SCP) via zoom.

            Batay sa proseso, matapos makompleto ang selection process, isusumite ng SCP sa Board of Regents (BOR) ang resulta para sa kanilang kaalaman, konsiderasyon at maging basehan ng pagpili. Pagbobotohan ng BOR kung sino sa tatlong aspirante ang susunod na pangulo ng unibersidad.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Ang mga miyembro ng Board of Regents na boboto ay kinabibilangan nina: Hon. Aldrin A. Darilag- CHED Commissioner, Chairman, Board of Regents; Hon. Santiago T. Gabionza, Jr. -Representative of Sen. Emmanuel Joel Villanueva Chairman, Committee on Education; Hon. Hector S. Sanchez – Representative of Cong. Mark O. Go Chairman, Committee on Higher and Technical Education; Hon. Agnes Espinas-Tolentino- Director, NEDA V; Hon. Rommel R. Serrano- Director, DOST V; Hon. Serelino T. Tasarra – President, Federation Faculty Union; Hon. Ramil Joselito B. Tamayo- President, Federated Alumni Association; Hon. Aida A. Dianela & Hon. Luzviminda T. Oropesa- Private Sector Representatives; Hon. Renz Mickenly T. Tanael, Student Regent.

            Si Atty. Nikko Rey Aicetel Manlangit-Santelices, naman ang tumatayong Interim Board Secretary dahil aspirante sa pagkapangulo ang board secretary na si Ginoong Renato Panti.

Advertisement