Bicol Peryodiko

31 anyos na lalaki, p๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ s๐—ฎ๐—น๐—ฝ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด m๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—น๐—ผ ๐—ฎ๐˜ t๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ

San Miguel, Catanduanes โ€“ Dead on the spot ang isang 31 anyos na lalaki sa salpukan ng isang motorsiko at trak dakong alas nuwebe trenta (9:30) ng umaga noong Hulyo 20, 2021.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Batay sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng isang Ricky Tuburo, may asawa at residente ng Barangay San Isidro, Viga, Catanduanes ย ang kahabaan ng kalsada ng Barangay Buhi, sa bayan ng San Miguel sakay ng Suzuki Skydrive na may plakang 136EMS nang kainin nito ang kabilang linya at bumangga sa kasalubong naTruck Mixer na minamaneho naman ni Carlos Magan, 59 anyos, may asawa at residente ng Barangay Sipi, Bato.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Ayon sa ilang mga nakasaksi, may kabilisan umano ang takbo ng motorsiklo kung kayaโ€™t nawalan marahil ito ng kontrol at naging dahilan upang kainin nito ang kabilang linya.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Matindi ang tinamong tama sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng biktima na walang suot na helmet nang mangyari ang insidente. Sa punerarya na sa Barangay Mabato, San Miguel dineresto ang bangkay dahil wala na itong buhay. Sa punerarya na rin kinuha ng mga kaanak ang labi ng biktima.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Ayon sa pamunuan ng San Miguel MPS, bagamat hindi inaasahan ang mga ganitong pangyayari ay pinaalalahanan nito ang lahat na motorista na maging maingat at sundin ang mga paalalang pangkaligtasan lalo na ang pagsusuot helmet habang nagmamaneho.

ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย ย  Dahil dito, ย mas pa umanong paiigtingin ng MPS ang pagsasagawa ng checkpoint at Oplan Sita sa mga pangunahing kalsada ng San Miguel upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente.

(CATPPO)

Exit mobile version