Handyman services silhouette. Construction worker. Man with many hands holding construction tools

Kala ko ba ideneklara na ng DILG at PNP na unsurgency free na ang islang kayganda? Eh bakit meron pang mga nang-aambus na mga No permanent Address? Hindi kaya, nagdeklara para lamang makuha ang pondo mula sa taas? Hikhikhihihik!

Kaya nga, masyadong kalmado ang mga pulis sa pagsisilbi ng mga warrants dahil ang sabi noon nalansag na mga npa sa islang kayganda.

Pero, sa ganang akin, dapat talaga lagging merong backup ang ating kapulisan sa ganitong mga misyon dahil hindi purkit naka-smile sa kanila kakampi na. Ang totoo, kahit civilian dapat pagdududahan mo rin dahil merong sa mga ito ay espiya ng ilan.

Ang problema rito dahil kadalasan merong ganitong insidente, meron pang mga kasunod yan, dahil magkakaroon ng revenge ang bawat isa. Kaya’t tila walang hanggang kamatayan ang nangyayari sa Pinas dahil parehong inilalagay ng bawat panig sa kamay ang kanilang mga batas.

************  

Ang maging pangulo ay hindi biro na inaakala ng ilan, maghapong nakayuko sa dokumento maging sa mga tao at tila wala ng oras upang ayusin ang sarili. Pasan mo ang problema ng buong bansa at halos saiyo umiinog ang mundo.

Kung ganito ang Gawain ng isang presidente, dapat ngang huwag tayong bumoto ng one sided love lamang..hikhikhihik! Dapat siya ay isang total package. To be a president is a disaster, kaya’t meron ka dapat ng burning desire para tugunan ang pinakamaliit at pinakamalalaking problemang susubok sa iyong kapangyarihan.

Bilang enforcement of the laws and the constitution, dapat merong kang common sense sa batas at sa moral aspect. At the end of the day, sa dami ng iyong mga advisers, ikaw parin ang dapat merong judgment call sa isang decision.

Kaya’t kailangan natin sa Pinas na halos lugmok dahil sa pandemya at moral aspect, at maitatayo tayo sa ganitong kumunoy. Hindi naman perpekto, pero dapat merong tinatawag na “Jack of all trades”. Meaning, marami siyang pinaghuhugutang lakas. Hindi pwedeng nakasalalay lagi sa inyong mga cabinet secretaries ang kapalaran ng inyong decision.

Sa totoo mga kapepryodiko, merong taong tinatawag na participative form of governance, subalit, ikaw parin bilang pangulo ang chief architect of all the possible decision, or else, you must be crazy of doing the president’s mandate…hikhihihihik!

************

Ibinasura pala ng Sandiganbayan ang kasong criminal na isinampa kay governor Joseph Cua at kay Mayor Leo Rodriguez. Siyempre, isang moral boaster ito sa gobernadora maging sa alkalde na tumatakbo bilang gobernador para sa kanyang 3rd term at sa nag-aambisyong maging kongresista na si Alistong Leo..hikhihihik!

Ibig sabihin niya, mawawala na ang malaking bagahe nila gayong papalapit na ang papg-uumpisa ng kampanya..hikhikhihik!

Ang syste, kung bakit pala ibinasura dahil out of jurisdiction. Hindi umano inattached ng reklamador kung magkano ang amount na Nawala sa probinsya matapos na pansamantalang maging parking lot ng kompanya ng dating alkalde ang lugar adjacent sa dating land bank building..hikhihihik!

Sino kayang abogado ang gumawa noon kung bakit, sumampa, pero pinakulangan pa ng requirements..hikhihihikhik! Sinasadya ba ito o merong milagrong nangyari? Hikhihihihik! Ayon kasi sa Sandiganbayan, kailangan merong jurisdictional amount para madetermina kung pwede sa kanila isampa ang kaso. Kung walang amount na naging damage sa LGU, eh walang kaso..hikhikhihik!

Common sense naman, eh dapat pina-compute niya sa treasurers office kung ano ang possible amount ang nagastos sa naturang lugar dahil, the mere fact na gumamit ng lugar, eh katumbas ito ng paggamit sa pribadong lugar na pinarentahan..hikhihihik!

Baka sadyang makakalimutan din at ulayanin na ang nagsampa ng kaso..hikhihihik!

Kaya nga lamang, siyempre, nagdesisyon na ang hukuman, kung magsasampa kapa ng kaparehong kaso, tila mateteknikal kana dahil merong tayong tinatawag na double jeopardy..hikhikhihik! ‘

Pero, ayon sa ilang legal expert kuno, meron pang pag-asa kung gugustuhin ng mga nag-aakusa kasi, pwedeng gawin aniya ito ng solicitor general o kaya pwede ring magreklamo sa supreme court kung merong pang-abuso sa kapangyarihan sa panig ng Sandiganbayan..hikhihihi!

 In fairness, isa itong malaking tagumpay sa panig ng gobernador para sa mithiing mawala ang jinks sa 3rd termer governor..hikhihihihkik! Ano kaya ang say dito ng kanyang mga katunggali?

KITA KITZZ KAPERYODIKO!

Advertisement