Virac, Catanduanes โ€“ Naging matagumpay ang inilunsad na โ€œKapulisan, Simbahan at Mamamayan tungo sa isang matiwasay, tama, tapat at malayang halalanโ€ (KASIMBAYANAN) dakong alas 5 ng hapon noong Pebrero 17, 2022 sa Virac Plaza Rizal.

Ang naturang programa ay isa lamang sa mga inisyatibo ng PNP upang pagtibayin ang ugnayan at pagkakaisa ng mga ahensya na derektang mangangasiwa sa gaganaping halalan kasama ang ibaโ€™t ibang sektor na pawang nagsusulong ng isang mapayapa at tapat na halalan.

 โ€œBe wise enough and prevent ungodly and dreadful election system. We can lift-up our country by being responsible and true citizen, through our collaborative effortsโ€ pahayag ni  Provincial Director BENJAMIN B. BALINGBING, JR.   habang kinikilala ang malaking maiaambag ng bawat isa sa pangkalahatang layunin ng KASIMBAYANAN.

Kabilang sa nagpakita ng suporta sa programa ang mga ahensya ng pamahalaan at mga miyembro ng Advocacy Support Groups. Kasama rin dito ang mga kawani mula sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Information and Communication Technology (DICT), mula sa hanay ng 83rd IB 9th ID ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPRCV), mga pinuno ng simbahan at paaralan, lokal na medya, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Kaligkasan, at iba pang naorganisang lingkod-bayan.

Bahagi ng programa ang pagkakabit ng pin kung saan nakalimbag ang isinusulong na โ€œSecure, Accurate, Fair Free Election (SAFE) National and Local Election 2022โ€ at ang seremonyal na pagsindi ng kandila kalakip ang paghingi ng panalangin at gabay tungo sa pagkamit ng natatanging layunin ng programa.

Kasunod nito ang paglagda sa manipesto bilang tanda ng pinagtibay na kasunduan sa pagitan ng mga nabanggit na sangay ng ahensya at mga sektor. Natapos ang programa sa pagpapalipad ng mga puting kalapati bilang simbolo ng pag-asa, katapatan at kapayapaan na ninanais ng nasabing kapulungan.

Samantala, sa isang press release  binigyang linaw ng Catanduanes Police Provincial Office (CatPPO) na ilan sa mga kadahilan kung bakit hindi nabigyan ng imbitasyon ang ilang kandidato na nagpahayag ng komento sa hindi pag-imbita sa kanila.

Kasama sa dahilan ay ang pabago-bagong tirahan o kaya ay walang tiyak na tirahan na isinumite batay sa listahan ng COMELEC. Naitaon din anila sa araw ng Sabado ang pamamahagi ng imbitasyon kung kaya’t ilan sa mga tanggapan ay sarado.

Ayon pa sa CatPPO, inaako nila na maikli lamang ang oras at panahon na nailaan para maipabatid sa lahat ng kandidato ang tungkol sa isasagawang aktibidad lalo na at tatlong araw pa lamang ang nakalilipas mula ng ilunsad ang kaparehong programa na โ€œKASIMBAYANANโ€.

Ganon pa man anila ay sinikap ng mga pulis na maihatid ang mga imbistasyon partikular na sa mga tumatakbo sa mataas na katungkulan. Wala daw sinuman ang sinadyang kaligtaan o pinaboran sa nasabing aktibidad. Mananatili umano silang โ€œapoliticalโ€ at walang kinikilingan para sa matahimik at matagumpay na halalan. (via CatPPO)

Advertisement