Virac, Catanduanes – Sa Abril 8 ang itinakdang petsa ng “Operation Baklas” ng Commission on Election (COMELEC) sa lalawigan ng Catanduanes.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko 87.9BPFM, sinabi ni Atty. Maico Julia ng Comelec Virac na kasado na ang pagbaklas laban sa mga election paraphernalias na wala sa tamang designated areas.

Nilinaw ni Atty. Julia na ang pagbaklas ay para lamang sa mga prohibited posters areas lalo na yaong mga nakadikit sa mga public properties.

Hindi muna umano nila papakialaman ang mga posters sa pribadong individual dahil sa ipinalabas na Temporary Restraining Order ng Supreme Court laban sa Comelec habang patuloy pang dinidinig sa Korte Suprema ang naturang usapin.

Muling nagpa-alala ang COMELEC sa lahat ng mga kumakandidato sa iba’t-ibang posisyon na sundin ang mga itinakdang panuntunan ng ahensya mula sa mga sukat at mga lugar na dapat pagpaskilan ng kanilang campaign materials.

Ayon kay Atty. Julia, dapat hindi lalampas sa 2.3 ft ang campaign paraphernalias habang hindi lalampas sa 3.8 ft na streamer ang sukat na ilalagay sa venue ng pagdarausan ng rally.

Mahigpit din na pinagbabawal ang iba’t ibang uri ng vote buying na makakaapekto sa desisyon ng mga botante.

Samantala, dahil level 1 ang covid-19 classification  ng lalawigan, pinapahintulutan na umano rito ang full capacity sa mga venue at kailangan lamang mamantine ang pagsusuot ng face mask.

Advertisement