Virac, Catanduanes – Itinuturing na isang divine intervention ni Congressional Candidate Cesar Sarmiento ang pagiging covid-19 survivor dahil nagkaroon siya ng bagong pananaw sa larangan ng pulitika.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko binigyang diin ni Sarmiento na nagkaroon siya ng self-realization matapos na bigyan pa siya ng ikalawang buhay kung kaya’t may bago siyang advocacy sa kanyang muling pagtakbo bilang kongresista sa lalawigan ng Catanduanes.

Nais niya umanong gamitin ang extension o nalalabi pang buhay sa mundo sa pamamagitan ng pagsulong ng tamang direksyon at maging huwaran bilang isang tunay na public servant.

Si Sarmiento ay tumatakbo bilang kongresista sa lone district ng Catanduanes matapos makapagpahinga ng tatlong taon nang matalo siya sa gubernatorial race noong 2019. Bago siya natalo, hinawakan niya ng sunod-sunod na tatlong termino sa congressional post.

Sa tanong kung ano ang magiging reaksyon hinggil sa posibleng pagkutya sa kanya ng mga kritiko lalo’t naging bahagi rin siya ng maruming pulitika, sinabi ni Sarmiento na bawat tao ay merong self-realization at kasama umano siya sa maraming individual na nakadama ng kaparehong sitwasyon.

Inihalintulad nito ang kwento ng mga santo at santa, kung saan ang 360 degrees na pagkamulat sa katotohanan at ang pagbabago sa sarili para sa tamang moral standard kung kaya’t naideklara ang mga ito na huwaran o mga santo at santa.

“Kan nasa covid time ako, dai ko man naisip ang pulitika, kundi realization sa Dios ang nangyari. Ano ang gigibihon mo na tinawan ka nin panibagong buhay”, paglalahad ng solon.  Sa pamamagitan umano ng bagong advocacy sa pulitika at kung magkakaroon ito ng katuparan, malaki umano itong panuntunan para sa pagdating ng panahon handa na siyang tanggapin ang katotohanang babalik na sa kaharian ng Dios.

Sa katunayan, ayaw na umano ng kanyang pamilya na pumasok muli siya sa larangan ng pulitika, kaya lamang marami pa  umano siyang naiisip na pwedeng makatulong pa sa lalawigan ng Catanduanes.

Matapos umanong makarecover siya,  kanyang ipinangako sa Diyos na siya maglilingkod ng TAPAT at BUONG PUSO para sa  kanyang mga ka-isla.

“Mga Catandunganon, mga ka-isla, panahon na para sa PAGBABAG-O. Punduhon ta na tabi an pagresibe nin kakapiranggot na kantidad para sa inyong boto.

Ang eleksyon, salong aldaw lang. An botong satuyang binenta babayadan ta tabi sa laog nin tulong (3) taon. An pinambakal kan boto nita, siguradong babawion man sana satuya pati sa kaban kan banwaan”, paglalahad ng dating solon.

Ang kanyang track record umano ang kanyang magiging armas ng kanyang kampanya kung papano makuha ang suporta ng publiko.

“Kan harani na ang election, habo kan pamilya ko na maglaog sa pulitika, alagad yaon pa ang sakong desire”, dagdag pa ng dating opisyal. Sa kanya umanong paglakad lakad, marami umanong naghahanap sa kanya lalo na ang kanyang mga dating supporters. Marami umano sa mga ito ang naghahanap sa kanya at muling  magkarooon ng lider na laging nakikita ang presensya sa lalawigan sa kabila ng pagiging busy schedule sa house of representatives.

Bago siya umano nagdesisyon na kumandidato, meron umano siyang ipinangako sa panginoon.

:Kung mabuwelta ako, ano an sakuyang adbokasiya? Ipadagos an dating gawi o babag-uhon? Nangibabaw po yung pagbago ning pananaw ko sa buhay na ang buhay ko ay i-aalay ko tabi sa probinsya nin Catanduanes, nganing makanamit sinda nin tunay na serbisyo na hindi tulad ng mga nakaraan na pag may nakatukaw, nag gastos nin dakol na kantidad, pag nakatukaw na lingaw na su pinangako,” ayon kay Sarmiento”. (FB)

Advertisement