Ilang tulog nalang, magkakabukingan na kung sino ang magiging katunggali ng mga nasasarapan sa kani-kanilang pwesto. Marami kasi sa Pinas na kapag nakaupo na, ayaw ng tumayo..hikhikhikhik! Sa islang kayganda, napakarami din ng ganyan na halos ayaw ng bitawan ang mga pwestong maraming beses nagpasaya sa kanilang panlasa..hikhikhikhik!

Sa bayang ng Virac, maraming mga pangalan na lumalabas na posibleng maging alkalde. Sa ganang akin, dahil superlibot na sa islang kayganda ang incumbent mayor, meaning, wala ng atrasan, sure na itits na congressional post ang tatakbuhan ni Mayor Sammy, habang si Bise alkalde Arlyn Arcilla, sure na rin na hindi na tatakbo sa kaparehong pwesto dahil nakatatlong beses na siya. Maliban kung gagayahin niya yong mga politikong masyadong takam sa pwesto na nais pang magkaroon ng apat na termino..hikhikhikhik!

Meron ding iba dyan na nais ipamana  sa kanilang kapatid at kamag-anak ang kanyang pwesto. Tunay ngang ang pulitika ay tila alak na nakaka-adik ang aroma..hikhihihkik! Habang tumatagal, lalong sumasarap..hikhihihihk! Sila ang mga tinatawag na mga adik sa pulitiko na kanilangan munang hintayin na matalo sa pwesto bago magretiro..hikhihikhik!

Kasama sa mga lumilitaw na pangalan bilang alkalde sa bayan ng Virac ay sina Governor Joseph Cua ang ang kanyang posibleng maging alternative kung nanaisin pang ipagpatuloy ang pwesto, posibleng si dating provincial administrator Lemuel Surtida. Sa kabilang dako, sure daw na magrerebansa pa umano si dating alkalde Posoy Sarmiento para tingnan kung yong 20k plus na bumoto sa kanya ay ilalaban pa rin siya ngayong halalan..hikhkhikhik! Posible ring magkaroon ng interes si Vice Mayor Arcilla kung merong hihikayat sa kanya bilang alkalde lalo pa’t undefeated ito simula ng pumaimbulog sa pulitika.

Lumalabas din ang pangalan ni dating kongresista Cesar Sarmiento na posibleng subukang tingnan kung may asim pa siya matapos matalo sa gobernatorial post ilang taon na ang nakalilipas. Sa mga bise alkalde, si konsehal Isidoro ay tila naghahanda na para sa kanyang laban na posibleng maging katunggali either si Lemuel at si konsehal Balmadrid.

**************

Marami parin ang nagtatanong kung sino talaga ang magiging katunggali ng Cua brothers sakaling sino sa kanila ang kakandidato bilang gobernador. As of now kasi, tinitingnan ng Cua brothers kung sino ang magiging kalaban. Batay sa ating bubuwit, sakaling medyo malakas umano ang makakalaban, posibleng si VG Peter Cua ang tatambudan. Paniwala kasi ng ilang think tanks ng brotherhood, walang tambal di umano ang bise kaysa sa incumbent…hikhikhihkik!

Pero, ayon naman sa ilan, wala paring tatalo sa incumbent. Pwede ring mag-kack n poy ang dalawa.hikhkhikhik!

Sa kabilang dako, tinitingnan naman ng ilang tagasolsol ng kabilang Partido na maging sino man sa kanila ang magiging katunggali, they are the same colors kung pag-uusapan umano ang samut saring issues. Dahil umano sa mga nangyaring kontrobersiya sa nakalipas na mga araw, hindi makakasiguro ang dalawa sa magiging acceptance ng Catandunganon voters sa dalawang hari sa kapitolyo. Hindi rin umano magagasiguro ang mga ito kung muling ihalal ang dalawa sa kaparehong pwesto o pagbigyan lang ang isa sa kanila o kung magaling ang stragists ng magiging kalaban posibleng bawiin na ang pansamantagal na ibinigay na tsansa..hikhikhikhik!

Napakarami pang magaganap habang may isang buwan pang mangyayari ang filing of candidacy. Ang mahalaga umano sabi ng isang political strategist, sure na merong makakalaban ang brotherhood..hikhihikhik! KITA KITZZ MGA KAPERYODIKO!

Advertisement