Hindi man nagtagumpay sa kanyang laban sa pampanguluhan landslide naman sa Bicol Region si Vice President Leni Robredo sa katatapos pa lamang na  national at local elections.

Lahat na lalawigan sa rehiyon naitala ang kanyang pagkapanalo na may kabuuang boto na 2.283.174 kung saan humigit kumulang 600,000 naman ang  bumoto sa ibang kandidato.

Ang kanyang home province Camarines sur ang nagbigay ng malaking  boto na may kabuuang  958,905  (89%), sinusundan ng Albay na may 608,779 boto (81%), Sorsogon 333,614 (74%), Cam norte 239,353 (74% ), Masbate 186,998 (43%) at Catanduanes 123,805 (75%).

Batay sa datus umaabot sa kabuuang 15 na mga lalawigan ang napanalunan ng Bicolana presidentiable at ito ay ang mga lalawigan ng Iloilo 728,781, Negros Occidental 639,372, Quezon 609,758, Capiz 216,236, Northern Samar 159,225, Antique 142,663, Eastern Samar 123,868, Guimaras 66,071, Batanes 5,195.

Samantala, walang mapagsidlan ng tuwa ang bise presidente sa naturang resulta sa kabila ng pagkatalo. Sa isinagawang gabi ng pasasalamat sa Ateneo University, pinawi ni Robredo ang poot at frustration ng mga sumuporta maging mga volunteers na nagpagod sa kampanya, partikular ang mga nagsagawa ng house to house campaign sa iba’t ibang dako ng bansa.

Kaugnay nito, inanunsyo ng bise president na sa Hulyo 2022 ilulunsad nila ang Angat Buhay NGO na tutulong sa iba’t ibang dako ng bansa. Isa umano itong pinakamalaking volunteer network na tutulong sa mga pangangailangan ng mga mamamayan hindi lamang supporters, bagay na ikinatuwa ng mga supporters.

Advertisement