Matagumpay na naisagawa sa lalawigan ng Catanduanes ang 6th staging ng Abaca Festival nitong Mayo 24- 28, 2022.
Sa unang araw ng programa naging panauhing pandangal si Chief Operating Officer of Tourism Promotions Board, Atty. Maria Anthonette C. Velasco-Allones maging si Regional Director Herbie Aguas ng Department of Tourism Region 5.
Sinundan ito ng parade, battle of the band, rawit, arte isla at abaca stripping competition. Ang motorcycle ride ng humigit kumulang isang daang vloggers sa bansa ay umikot rin sa buong lalawigan ng Catanduanes noong Mayo 27-28.
Naging tampok din ang arc abaca at ang rampa abaca na ipinapakita ang mga gamit maging kasuotan na yari sa hibla ng abaka.
Ayon kay Governor Joseph Cua, isa itong makabuluhang pagdiriwang matapos ang dalawang taong nasuspendi ang face to face activities. Kasabay ng pagkakadeklara sa lalawigan bilang Abaca Capital of the Philippines, umaasa umano siyang mas pang magiging produktibo ang susunod na mga buwan para matulungan ang abaca industry sa lalawigan.
Buo naman ang pasalamat ni Tourism Supervising Officer Carmel Garcia sa kooperasyon ng mga local government units maging mga private at government agencies sa buong lalawigan na nagpakulay sa naturang selebrasyon.