Virac, Catanduanes – Umaabot sa 22,000 kabahayan sa Catanduanes ang ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐บ๐๐น๐๐ถ-๐ฝ๐๐ฟ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ ๐๐ป๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฐ๐ฎ๐๐ต ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ฒ๐ฟ dahil sa pagiging v๐๐น๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐๐ผ.
Ang naturang mga lugar na malimit hagupitin ng bagyo ay makikinabang sa multi-purpose unconditional cash transfer, na resulta ng kasunduan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng United Nations International Childrenโs Emergency Fund (UNICEF).
Sa ilalim ng pilot implementation ng Central Emergency Response Fund for Anticipatory Action (CERF AA), pagkakalooban ng top-up cash assistance ang aabot sa 22,000 Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries, kung saan kinabibilangan ito ng 42,239 na mga bata.
Ipapatupad ang pilot implementation ng CERF-AA sa mga probinsya ng Catanduanes at Northern Samar.
Sa Catanduanes, tutukuyin ang mga benepisyaryo sa mga munisipalidad ng Bagamanoc, Baras, Bato, San Andres at Virac.
Habang sa Northern Samar ay ang munisipalidad ng Catarman, Catubig, Gamay, Mondragon at San Roque.
Ito ang kauna-unahang implementasyon ng konseptong anticipatory action upang mabilis na makabangon sa kanilang kabuhayan ang mga bulnerableng komunidad tuwing may paparating na bagyo.