Isinasailalim na sa evaluation ang mga benepisyaryo ng 4P’s sa buong bansa ni Secretary Erwin Tulfo.

Marami umano ang matatanggal dahil marami rin sa mga benepisyaryo ngayon ay ginagawang gatasan ng ilang kaanak at hindi naman talaga napupunta sa mga dapat nangangailangan. Tingnan natin kung merong matatanggal sa islang kayganda.

********  

Wala raw sasantuhin si alkalde Raul Tabirara sa kanyang pag-upo upang buwagin ang mga iligalista sa kanyang nasasakupan. Lalo na sa iligal fishing, kung saan, ilang mangingisda umano na mula sa ibang bayan, lalo na mula sa Dariao ay dumadayo upang bombahin at gamitan ng cyanide ang mga bahura sa bayan ng Pandan. Tanong lang naman ng sumbungero kung bakit tulog sa pansitan ang PNP at iba pang mga nanunungkulan.

Sana sa magiging aksyon ng alkalde, lahat susunod upang lansagin ang mga illegal fishers. Aabangan natin kung magiging seryuso ang mga enforcers natin.

*********

Matindi pala ang turnover na ginawa sa bayan ng Pandan sa pagitan ng outgoing at incoming na alkalde. Meron pa umanong mga binitiwang bitter word si Honest Mayor..hikhijhikhihikhik! Malaking hamon yan kay Mayor Takoy kung papano mapagtagumpayan ang hamon ni Mayor Honest, or else, may babalikang muli si Mayor Honest..hikhkikhikhihik!

Maganda ang naging pananalita ni dating alkalde Posoy Sarmiento pabor sa administrasyon ni mayor Laynes noong turn-over. Hinikayat ni Mayor Posoy ang mga residente ng Virac lalo na mga empleyado na full ang support para maging matagumpay si Mayor Sam. Kabaliktaran ito sa mapait na pananalita ni mayor Honest sa bayan ng Pandan..hikhikhikhikhkik!

Ganun talaga ang buhay, weather, weather lang. Kung talo ka ngayon, bawi ka sa susunod na kabanata..hikhkhihik!

Meron kasing mga pulitiko na kapag malayo pa ang halalan, masyadong sakitin, pero kapag malapit na ang halalan, nawawala ang rayuma..hikhkkhhihik! Sige, ariya Papa sa tawo prowa..hikhkhikhikhik!

********

Nakukulangan sa burning desire ang pamilya Eubra para madakip ang nasa likod na pamamaslang sa kanilang kaanak na si yumaong Carmel Eubra. Ang sabi ng kapatid nito, lahat na nila ibinigay ang lahat na mga impormasyon na makapagtuturo sa salarin sa pamamaslang. Ang tanong, ilang taon ba ang bubunuin bago madakip ang mga nasa likod maging ang nambaril sa biktima? Igt remain to be seen mga kaperyodiko.hikhikhikhikhik!

**********

Ano kaya ang mensahe kay PBBM, kung saan sa unang arangkada ng kanyang panunungkulan kaagad naquarantine dahil sa covid-19. Maging ang pangulo ay hindi lgitas sa naturang sakit. Tila mahina ang protocols ng mga tagapag-alaga ng kalusugan ng president? Hikhkhikhikhik!

Nitong nakalipas na linggo, meron namang nahulog sa ilang palapag ng malacanang at namatay. Good omen ba ito o bas omen?

Kaya sa state of the nation address umano ni PBBM, 25,000 na mga pulis at military ang ipapakalat sa kongreso para hindi malusutan ng mga masasamang element..hikhikhikhik! Tila, over acting ang number samantalang almost 500 lang naman ang dadalong mga dignatories ..hikhikhikhik! Saan ba natatakot ang pangulo, sa anino o sa kapwa pulitiko? Hikhihikhikhik! Baka merong makasalisi, mahirap na. Dapat lang talagang gwardya sarado ang pangulo.

KITA KITz MGA KAPERYODIKO.

Advertisement