Ngayong Sabado, Agosto 27, 2022, magpapatuloy ang pagproseso ng AICS Educational Assistance sa iba’t ibang probinsya sa rehiyong Bikol.
Ang mga makatatanggap ng kompirmasyon sa pamamagitan ng text message mula sa aming opisina ang ipoproseso ng ahensya. Ang mga mabibigyan ng appointment ay mga aplikante na pumila o nag-email sa opisina ng DSWD Field Office V noong nakaraang Sabado, Agosto 20, 2022.
Kung ikaw ay may appointment, tiyaking dalhin ng kumpleto ang mga sumusunod:
A. Kapag awtorisadong kinatawan (Authorized Representative):
1. Valid ID (2 photocopies, back-to-back)
2. School ID ng estudyante o Certificate of Enrolment o kahit anong dokumentong magpapatunay na ang estudante ay naka-enroll ngayong pasukan (SY 2022-2023)
3. Authorization letter na pirmado ng benepisyaryo (kung nasa legal na edad). Kapag minor ang benepisyaryo, hindi na kailangan ang authorization letter
B. Kapag ang mag-aasikaso ang mismong benepisyaryo:
1. Valid ID (2 photocopies, back-to-back)
2. School ID ng estudyante o Certificate of Enrolment o kahit anong dokumentong magpapatunay na ang estudante ay naka-enroll ngayong pasukan (SY 2022-2023)
Mariin naming pinapaalalahanan na TANGING ANG MGA NAKATANGGAP NG TEXT MESSAGE ANG AMING TATANGGAPIN. Ito ay para masiguro ang sistematikong paraan ng pagbibigay ng serbisyo. Hinihikayat din ng pamunuan ang publiko na iwasang dalhin ang kanilang mga anak na menor de edad. Magdala na lamang ng tubig, biscuit o anumang maaaring inumin o kainin habang naghihintay.
Narito ang schedule ng Educational Assistance payout sa Sabado, Agosto 27, 2022:
1. Camarines Norte
Venue: SM City Daet
City/Municipality: Daet and San Vicente
Target Beneficiaries: 1,642
2. Catanduanes
Venue: Panganiban Covered Court / Viga Municipal Plaza
City/Municipality: Panganiban and Bagamanoc / Viga
Target Beneficiaries: 500 / 500
3. Camarines Sur
Venue: Pili Convention Center
City/Municipality: Pili, Naga City, Bombon, Calabanga, Camaligan, Magarao, Canaman and Ocampo
Target Beneficiaries: 2,000
4. Albay
Venue: DSWD AICS Office, Pacific Mall Annex Bldg., Bitano, Legazpi City
City/Municipality: Camalig, Bacacay and Stio. Domingo
Target Beneficiaries: 1,798
5. Sorsogon
Venue: Sorsogon Provincial Gym
City/Municipality: Gubat, Santa Magdalena, Barcelona, and Casiguran
Target Beneficiaries: 1,800
6. Masbate
Venue: Landungan Youth Migrant Center Covered Court, Brgy. Nursery, Masbate City
City/Municipality: All LGUs (3 Districts)
Target Beneficiaries: 1,000
Para sa mga nais magparehistro upang mapabilang sa benepisyaryo ng AICS Educational Assistance sa rehiyong Bikol, i-scan ang QR code (link: bit.ly/AICSEARegionV ) at i-fillout ang google form.
Tanging ang mga magpaparehistro gamit ang QR code ang tatanggapin ang aplikasyon. Wala nang tatanggapin na walk-in sa mga tanggapan ng ahensya.
Antabayan ang susunod na anunsyo. (| via Dswd Region 5)