Virac, Catanduanes –  Hindi pinaburan ng Sangguniang Panlalawigan ang inihaing apelasyon ni Punong Barangay Mathea Tablizo-Bautista ng Barangay Cavinitan kaugnay sa naging hatol ng Sangguniang Bayan ng Virac hinggil sa kasong administratibo na inilabas noong Disyembre 14, 2021.

Sa walong pahinang decision ng SP na pinirmahan ni Vice Governor Peter Cua at mga miyembro ng komite sa pangunguna ni PBM Dean Roberto Vergara, kinatigan nito ang naging hatol ng SB na  suspendihin ng tatlong (3) buwan na  walang honorarium ang Punong Barangay dahil  sa simple misconduct.

Ang kaso ay nag-ugat sa isang insidente ng robbery sa boarding house na pag-aari ng isang nagngangalang Belen Terrazola. Nagpablotter sa barangay ang boarder na si Kristine Curle Tanaka matapos madiskubreng nawala ang kanyang  Ipad at halagang 26,200 pesos.

Napag-alaman ng SB na kaagad umanong nagpalabas ng summons at docketed na kaagad ito sa barangay. Lumalabas umano na meron nang na-establish na robbery case samantalang nagpa-blotter lamang ang boarder para kwestyunin ang mga taong involved dahil hindi nairecord sa CCTV ang pangyayari samantalang nakapagrecord naman ito sa nakalipas na mga araw. 

Kinuwestyon ng may-ari ng boarding house na si Terrazola ang pamamaraan ng paghawak ng reklamo ng Punong Barangay. Wala na dapat aniya sa kapangyarihan ng Barangay ang robbery case dahil paglabag ito sa ilalim ng Revised Penal Code at hindi saklaw ng barangay.

Nireklamo din ni Terrazola ang pagharap nila sa tanggapan ng Punong Barangay noong June 11, 2021 dakong alas 4:30 ng hapon, kung saan hindi pinayagang makadalo ang witnesses nito sa conference room. Matapos aniyang isalaysay ng boarder na si Tanaka ang insidente, hindi umano binigyan ng tsansang makapag- counter ang boarding house owner.

Sa halip, naglabas pa umano ng nakakainsulto at offensive na pananalita ang Punong Barangay. “Tiya, magnanakaw ka, buda so aki mong si Joseph, magnanakaw man. Kasohan mo ako! Kami nin aki ko” at nag-second the motion din aniya rito ang kagawad na si Gil Alintana.

Ayon kay Terrazola, dahil napapakinggan ng publiko ang naturang mga salita kung kaya’t inireklamo niya ang Punong Barangay sa Sangguniangg Bayan.

Ang naturang mga pananalita ay pinabulaanan naman ng Punong Barangay at sinabing devoid at walang totoong basehan.

Nahatolan si PB ng SB, kung kaya’l inapela ang naturang kaso sa pamamagitan ng petition for review sa Sangguniang Panlalawigan.

Sa naging desisyon ng SP, justified umano ang naging hatol ng SB Virac na suspendihin lamang ng  tatlong (3) buwan at walang tatanggaping honorarium ang nasabing Punong Barangay. Ang simple misconduct ay may kaparusahan na isa hanggang anim na buwang suspension sa unang (1st) offense at dismissal from the service naman kung ito ay nasa ikalawang (2nd) offense.

Wala umanong kaukulang dahilan para hatulan ang Punong Barangay ng six months maximum penalty. Ito rin aniya ay unang opensa pa lamang ng appellant.

Sa kabila nito, hindi naman kinatigan ng SP ang desisyon ng SB Virac laban sa Punong Barangay hinggil sa abuse of authority. Ayon sa SP malinawag aniyang nagkaroon ng misapprehension of facts ang SB at walang pangmamalabis sa kapangyarihan ang Punong Barangay.

“Clearly, appellant was never in a hostile, inordinate and cruel manner in acting under the authority of her position as Punong Barangay nor a chairman ng Lupon that unduly cause difficulties and sufferings to appellee”.

Sa kaso  ng “Conduct prejudicial to the best interest of service” hindi rin ito pinaboran ng SP, partikular sa sinasabing hindi ginawa ng PB ang due prudence on  the integrity of barangay documents.

Ayon sa SP, hindi tungkulin ng Punong Barangay ang maging custodian ng mga dokumento dahil trabaho umano ito ng Barangay Secretary. “Appellee di nor deduce any record or circumstances on how appellants act tarnished the image and integrity or put in bad light the office of the appellant”.

Samantala, ang topnotcher councilor na si Ibayan ang umuupong Acting Punong Barangay habang nasa suspension si Bautista. Mananatili ito hanggang masilbihan ni Bautista ang suspension order na nagsimula noong Agosto 22, 2022.

Malugod namang tinanggap ni PB Bautista ang naging hatol ng SP at kaagad tumalima sa naturang kautusan na isinilbi sa pamamagitan ng tanggapan ng alkalde ng Virac. (BP Newsteam)

Advertisement