Nasungkit ng kandidata mula sa Naga City ang titulong Miss Bicolandia 2022 sa coronation night noong Setyembre 7 sa Jessie M. Robredo coliseum.
Siya si Rheema Adakkoden, 19, Filipino-Indian, estudyante ng Ateneo de Naga University sa kursong Bachelor of Science in Business Management. Siya ay isa sa mga paborito ng mga manonood dahil sa kanyang kulay at sa taglay niyang ganda, bukod sa matalinong sumagot.
Sa isang panayam nagpasalamat ito sa lahat ng mga sumuporta maging sa mga kaibigan at kakilala.
Ayon sa kanya pangarap niya talagang makuha ang titulong Miss Bicolandia. Sa katunayan pangalawang beses niya na itong pagsali. Una siyang sumali taong 2019 na umabot naman sa pagiging 2nd runner-up.
Mensahe niya sa mga nangangarap na maging beauty queen na huwag mawawalan ng pag-asa, mag-aral at magpursige. Inihayag niya sa media ang kanyang advocacy.
Ang iba pang mga nanalo ay sina Mary Joy Darilay ng Naga City,1st runner-up ; Jeanette Reyes ng Pasacao Camarines Sur, 2nd runner-up ; Iris Oresca ng Naga City,3rd runner-up at ang kandidata naman mula sa Tabaco City, sa Albay na si Margarette Briton ang nag 4th runner-up.
Umabot sa 20 ang opisyal na kandidata sa Miss Bicolandia, kung saan dalawa rito ay mula sa lalawigan ng Catanduanes. Ito ay sina Miss Claudine Timola ng Baras at si Miss Rosalexi Isidoro ng Virac. Si Timola ay pumasok sa top 10, subalit nabigong makaabot sa magic top 5.