Virac, Catanduanes – Sa nakalipas na limang tranches, pumalo na sa 8.732 milyon pesos ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Catanduanes para sa 2,627 na mga estudyante.

Naihatid ng DSWD sa mga munisipalidad ang naturang ayuda sa pamamagitan ng kanilang mga personahe. Nagsimula ito noong Agosto 20, 2022 sa bayan ng Virac, sinundan sa Viga, Payo at Bagamanoc. Sa ikatlong salvo, dinala sa mga bayan ng Caramoran at Pandan at sa ikaapat na yugto dinala rin sa mga bayan ng Bato, Gigmoto at Baras.

Nitong Setyembre 17, may kabuuang 1,567,000.00 ang naipamahagi ng  DSWD sa  kanilang ikalimang beses na pamamahagi para sa 455 na kliyente mula sa bayan ng San Andres,

Samantala, sa datos ng DSWD mula Agosto 20 hanggang Setyembre 17, nakapamahagi na ng Educational Assistance sa 31,794 na benepisyaryo sa buong rehiyon na may kabuuang halaga na Php 92,445,000.00.

Ang Educational Assistance na nasa ilalim ng programa ng DSWD na Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay layong matulungan ang mga student-in-crisis  and emergency situations. (BicolPeryodiko879)

Advertisement