Pumangalawa si Robert Timbal, isang surfer mula sa Puraran, Baras sa ginanap na 1st Mayor Solโs National Surfing Competition sa Cloud 9, Siargao Island, Surigao Del Norte nitong Oktubre 2.
Bago pumasok sa final round ng Menโs Open Shortboard si Timbal ay tinalo muna nito ang katunggali sa semi-finals na si Benjamin Canon sa iskor na 10.50-9.40 kung saan lamang siya ng 1.1 puntos.
Ngunit sa final round ay nabigong masungkit ng Puraran surfer ang 1st place nang makakuha ng 11.75 na rating ang kanyang kalaban na si Noah Arkfeld, habang siya ay nakakuha lamang ng 3.20 kung saan lamang si Arkfeld ng 8.55 puntos.
Tumanggap naman ng 50,000 pesos na premyo si Timbal bilang second placer sa naturang kompetisyon.
Ayon kay Timbal, bata pa lamang siya ay nakahiligan niya na ang surfing kaya isa aniyang karangalan para sa kanya ang makasali at umabot sa finals ng national surfing competition sa Siargao.
Nagpasalamat din si Timbal sa lahat ng mga sumuporta sa kanya laban na ito bilang natatanging Catandunganon sa nasabing kompetisyon. (Radyo Pilipinas)