Isinailalim sa Alert Level 2 ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF EID) BicolΒ  ang mga lalawigan ng Camarines Norte at Masbate, samantalang level 1 naman ang ibang probinsiya sa rehiyon.

Alinsunod ito sa Resolution number 6-C ng IATF-EID kung saan, ito ay  mula Abril 15 hanggang 30, 2023 dahil na rin sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Maliban sa dalawang probinsya, ang buong Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, kasama ang Lungsod ng Naga, mga bayan ng Balud, Batuan, Mandaon, Milagros, San Fernando, at Masbate City, sa Lalawigan ng Masbate, mga bayan ng Basud, Capalonga, Daet, San Vicente at Talisay sa Camarines Norte ay pawang ideneklarang Alert Level 1.

Ayon sa DOH Bicol Center for Health Development, may mga alituntunin na dapat sundin sa bawat alert level na nakapalaman sa direktiba ng IATF-EID.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang DOH sa publiko na sundin ang minimum public health standard protocol laban sa COVID 19. Kasama rito ang pagpabakuna  maging ng booster shots para maiwasan ang naturang sakit. (Bicol Peryodiko/Radyo Peryodiko)

Advertisement