Nakatakdang ipagpatuloy ng Commission on Election (COMELEC) ang voter’s registration sa buong bansa.

Ayon sa pamunuan ng Comelec, bukas ito sa magiging botante para sa midterm national and local elections. Kabilang dito ang mga residente na mag-eedad dise otso sa May 2025 elections.

Magsisimula ang Voter’s Registration para sa 2025 NLE sa Pebrero 12, 2024 hanggang Setyembre 30, 2024.

Para makapagparehistro, pumunta sa opisina ng mga Election Officers sa inyong lugar mula  alas 8:00 a.m. – 5:00 p.m., Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays.

Kabilang umano sa mga dadalhin ng mga botante ay ang birth certificate, valid IDs o anumang pagkakakilanlan. Kabilang umano dito ang mga nais magpatransafer maging ang mga deactivated na dahil hindi na nakapagboto ng ilang national ections.

Kaugnay nito, nanawagan ang Comelec na samantalahin ang aktibidad na ito upang mailahad ang kanilang mga Karapatan sa pagpili ng mga lider sa kanilang mga lugar maging mga national officials.

Bilang mga Pilipino, may obligasyon umano ang bawat isa upang mami ng mga kandidatong hahawak ng mga sensitibong posisyon na magbibigay sa mga mamamayan ng tamang serbisyo.

Advertisement