Matutuldukan na ang problema sa limitadong serbisyo ng Anesthesiologist sa Eastern Bicol Medical Center (EBMC).
Ito ay sa pamamagitan nang pag-adopt sa Sangguniang Panlalawangan 4th Regular Session noong Enero 29, 2024 na nagpapahintulot kay Gobernador Joseph C. Cua na pumasok at lumagda sa isang Contract of Service sa pangalan Lokal na Pamahalaan ng Catanduanes kasama ang EBMC.
Sa ulat ng komite sa Kalusugan na pinamumunuan ni Provincial Board Member (PBM) Dr. Santos V. Zafe ay kumatig ng pagsang-ayon. Ang desisyon ng komite sa sulat ni Gobernador Cua noong Enero 23, 2024 na humiling na payagan itong pumasok at lumagda sa isang Contract of Service. Ito ay matapos harapin ni PBM Dr. Santos V. Zafe ang miembro ng SP sa pamamagitan ng isang privilige speech noong Enero 18, 2024. Dito kanyang pinuna ang limitadong serbisyo ng Anesthesiologist sa EBMC.
Ayon sa ulat ng komite sa kalusugan, wala pagtutol ang komite sa mungkahi na mag-alok ng trabaho sa mga espeyalista sa kalusugan bilang ‘contract basis’ upang sa ganun ay mapupunan ang kakulangan ng anesthesiologist sa surgical department ng EBMC. Ito ay lubos na kailangan ng EBMC upang makapagbigay na agarang serbisyo sa mga pasyente lalong-lalo na sa mga indigents na walang kapasidad na bayaran ang serbisyo ng pribadong ospital upang tugunan ang agarang pangangangailangan sa serbisyong medikal. (VN I Jonz Panti)