Humigit kumulang labing siyam (19) na mga incumbent elected officials’ ng Catanduanes ang lumipat na sa Lakas-CMD sa pangunguna ni Gobernador Joseph C. Cua.

Noong Agosto 13, nang pormal na nanumpa ang mga ito kay Lakas Chairman at House Speaker Martin Romuldez.

          Maliban kay Cua, sampung mga alkalde ang personal na nanumpa sa speaker na sinaksihan ni TGP Partylist representative Jose Bong Teves na ikinabigla ng mga political observers sa lalawigan.

          Kabilang sa mga alkalde ay sina Virac Mayor Samuel V. Laynes, San Andres Mayor Leo Mendoza, San Miguel Mayor Francisco Camano, Baras Mayor at LMP President Paulo Teves, Caramoran Mayor Glenda Aguilar, Bato Mayor Juan Rodulfo,  Bagamanoc Mayor Odilon Pascua, Panganiban Mayor Cesar Robles, Gigmoto Mayor Vicente Tayam at Pandan Mayor Raul Tabirara. Sa hanay ng mga Vice mayor sa lalawigan, tanging si Vice mayor Juan Velchez naman ang dumalo sa oath-taking.

          Maliban sa naturang mga opisyal, kasama sa iba pang nanumpa ang mga Provincial Board members na sina Dean Vergara, Jose Sonny Francisco, Rafael Zuniega, Robert Fernandez, Josevan Balidoy, ABC President Ex-officio Member Tito Villamor at Ex-officio member/PCL President Joselito Alberto. Si Gobernador Cua naman ang magiging tagapangulo ng lakas-CMD sa lalawigan ng Catanduanes.

Pinangasiwaan ng pangulo ng Lakas-CMD at House Speaker Martin Romualdez ang panunumpa ng mga opisyal sa lalawigan ng Catanduanes noong Agosto 13, 2024. Sa larawan, makikita sina Congressman at Senior Deputy Floor Leader Sandro Marcos at Ako Bicol Partylist at Committee on Appropriation chair Zaldy Co maging si Cong. Jil Bongalon, dating AKB cong. Alfredo Garbin at TGP Partylist Congressman Jose “Bong” Teves.

Hindi naman nakadalo sa panunumpa si  Mayor Emeterio Tarin dahil sa pagdiriwang ng Fiesta na sinasabing aanib din sa naturang Partido. Dati ng mga miyembro sina Vice Governor Peter Cua at PBMs na sina Dr. Santos Zafe at Edwin Tanael. Tanging si PBM Ferdinand Alberto mula sa hanay ng mga board members sa Catanduanes ang wala pang impormasyon kung aanib ito sa naturang Partido.

          Ang Lakas Party ang sinasabing tinuturing na dominant party sa kasalukuyan na may alyansa sa Partido Federal ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ilan pang sa mga nakipag-alyansa na sa pangulo ay ang Nacionalista Party, National party at nagpapatuloy pa ang negosasyon sa ibang Partido bilang paghahanda sa 2025 elections.

          Dahil sa bagong development, marami naman ang nagsasabing,  maituturing na napakalakas na grupo ang bagong komposisyon sa lalawigan kung matutuloy ang alyansa ng mga ito hanggang sa halalan.

Advertisement