Bato, Catanduanes – Matapos isailalim sa repair and maintenance, operational na sa ngayon ang 3.6 megawatts Daihatsu generator na siyang pinapangasiwaan ng National Power Corporation (NPC).

Noong Hulyo 26, dakong alas 5 ng hapon nang pormal ng ikinonekta ng NPC sa linya ng FICELCO ang generator matapos ang isinagawang dry run.

Ayon kay Plant Superintendent Edwin Tatel, ilang araw bago mapaandar ang genset, isinailalim sa dry run ang naturang makina kung saan tiningnan  ang mga posibleng defects pati na ang sistema ng synchronization at protective setting and tripping devices.

Ang naturang makina ay dating pinapangasiwaan ng CPGI at nito lamang Mayo nagkaroon ng formal turn-over upang pormal na pangasiwaan ito ng napocor. Dahil halos ilang buwan hindi ito nagamit kung kaya’t natagalan ang pagkukumpuni ng makina.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 2-3 megawatts ang kakulangan  ng supply at sakaling tuloy tuloy na ang operation nito wala posibleng maibsan na ang power shortage ng kuryente sa Catanduanes. Ang pagkakaayos ng naturang genset ay sagot sa malawakang load shedding na ipinatupad ng FICELCO sa nakalipas na tatlong buwan.

Advertisement